Wednesday , October 28 2020
Breaking News
You are here: Home / News / MPD handa sa Pista ng Sto. Nino

MPD handa sa Pista ng Sto. Nino

HANDA na ang Manila Police District para sa Pista ng  Viva Sto. Niño sa Pandacan at Tondo, Maynila.

Ayon kay MPD District Director Isagani Genabe,  handa ang pulisya sa pagmomonitor sa kapistahan ng Sto. Niño  sa Pandacan at  Tondo, simula ngayong araw at inilagay na sa heightened  alert ang MPD.

Aniya, mahigit  6,000 miyembro ng pulis ang  ikakalat sa mga lugar ng kapistahan ng Sto.Niño  sa Enero 19.

Partikular  babantayan  ng  mga tauhan ng MPD ang mga lugar na madalas maganap ang kaguluhan.

Kaugnay nito, muling nagbabala si Genabe sa  publiko, lalo sa mga lasing,  na huwag gumawa ng gulo  at igalang ang kapistahan ng Mahal na Sto. Niño.

(leonard basilio/

Jason Buan )

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top