Wednesday , October 21 2020
Breaking News
You are here: Home / Sports / Cabuyao Chessfest tutulak na

Cabuyao Chessfest tutulak na

MANILA, Philippines – Tampok ang mga woodpushers na makikipagtaktakan ng isipan sa top honors sa pagsulong ng 2nd Kapitan Pido Malabanan Chess Championships ngayong Linggo (Enero 19, 2014), 8 am na gaganapin sa Covered Court, Diezmo, Cabuyao, Laguna.

Ang nasabing event ay inorganisa ng Brgy Diezmo at ng Laguna Chess Association at sanctioned ng  National Chess Federation of the Philippines (NCFP).

“The format of the event will be six(6) rounds Swiss-system with 25 minutes per player to finish the game,” sabi ng organizing committee.

Hinati sa dalawang kategorya ang nasabing event, ang 2050 & Below – 15 y/o & up at Kiddies Division (14 y.o. and Below)

Ang registration fee ay P250 para sa 2050 & Below – 15 y/o & up at P200 para sa Kiddies Division (14 y.o. and Below) at free snacks.

Mismong si Laguna Chess Association head Dr. Alfredo Paez ang ilan sa personalities na mangunguna sa opening rites kasama sina Jerry Valmores at Edz Feolino.

Hinikayat ni Dr. Paez ang mga parents na age-group chessers na pasalihin ang kanilang mga anak sa  kiddies Under 14 para sa exposure.

(Marlon Bernardino)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top