Saturday , October 24 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Alcala patunayang rice smuggling king (Hamon ng Palasyo)

Alcala patunayang rice smuggling king (Hamon ng Palasyo)

HINAMON ng Malacañang si Atty. Argee Guevarra na patunayan ang alegasyong pasimuno ng rice smuggling si Agriculture Sec. Proseso Alcala.

Inihayag din ni Guevarra na ibubulgar niya sa susunod na linggo ang mga pangalan ng sinasabing kasama sa “Quezon mafia.”

Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, dapat lamang na kung may paratang, kailangang magharap ng ebidensya.

Ayon kay Coloma, mahalagang mapatunayan ang alegasyon lalo kung pinag-uusapan ang integridad ng isang public servant.

Una nang sinabi ni Alcala na pakawala ng mga smuggler si Guevarra at ginugulo lamang ang kampanya ng gobyerno laban sa smuggling.

“Makatuwiran lamang na kapag nagpaparatang, dapat maghain ng kongkretong batayan lalong lalo na kung inuusig ang integridad ng isang lingkod bayan,” ani Coloma.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top