Saturday , October 24 2020
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / 3 YO local fillies ngayon a SLLP Sino ang magwawagi?

3 YO local fillies ngayon a SLLP Sino ang magwawagi?

Ito ang sasagutin ngayon ng 9 na kalahok na maglalaban-laban para sa 2014 Philracom 3 Year Old Local Fillies sa karerahan ng San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite .

Tatawid sa distansiyang 1,500 meters ang mga kalahok na may papremyong P.5 milyon, na ang magwawagi ay pagkakalooban ng P300,000.

Kabilang sa mga kalahok ang Skyway, Bacolod Princess, Bahay Toro, Kasilawan at kopol entri  nito na That is Mine, Love na Love, The Lady Wins, Tiger Queen, Up and Away.

Sa mga maglalaban-laban, marami ang pumapabor sa Skyway habang mahigpit na makakalaban ang magkakamping sina  Sasilawan at That Is Mine kasama na ang Up and Away.

Sa ibang kalahok na matitimbang ay pagkakalooban ng P112,500 ang 2nd placer, P62,500 ang  3rd placer at 25,000 ang  4th placer habang P15,000 naman sa breeder sa mananalong kalahok.

Bukas naman nakatakdang bitawan ang 3 Year Old Local Colts na paglalabanan ng 5 kalahok na tatawid din sa naturang distansiya na may kahalintulad na premyo.

Sa naturang karera ang unang apat na makakatawid  sa finisj line ay may pag-asa para sa Triple Crown  na sasailalim pa sa dalawang pagsubok na laban bago tawirin ang Triple Crown Championship.

(Ni andy yabot)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top