Wednesday , October 28 2020
Breaking News
You are here: Home / News / 3 minero patay sa gumuhong putik at bato (Sa Agusan del Norte)

3 minero patay sa gumuhong putik at bato (Sa Agusan del Norte)

BUTUAN CITY – Kinompirma ni Insp. Ernesto Delano, chief of police ng Santiago, Agusan del Norte, nagmistulang niyog na isinilid sa mga sako ang tatlong small scale miners na namatay sa mud at rockslides sa Sitio Bayabas, Brgy. Hagupit, bayan ng Santiago, Agusan del Norte.

Kinilala ng opisyal ang mga biktimang si Saturnino Decoy Sr., 55, anak niyang si Saturnino Jr., 35, at apo na si Loloy Salave, 11, pawang residente ng Sitio Kaungan sa nasabing barangay.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, pinayuhan pa ng kanilang mga kasamahan ang mga biktima na lisanin na ang nasabing mining site dahil delikado ito bunsod nang walang humpay na pag-ulan ngunit nagmamatigas sila hanggang sa matabunan ng naglalakihang bato at putik.

(BETH JULIAN)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top