Thursday , October 22 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Claudine Barretto wala pang planong makipagbati sa ex husband *(Ilusyon lang pala ng kampo ni Raymart Santiago! )

Claudine Barretto wala pang planong makipagbati sa ex husband *(Ilusyon lang pala ng kampo ni Raymart Santiago! )

Lumabas sa mga tabloid at kumalat na rin sa social media na diumano ay willing na si Claudine Barretto na makipag-ayos sa nakaalitan at kinasuhang dating mister na si Raymart Santiago. Pero, sa isang salo salo ay mabilis na nilinaw ng legal counsel at kaibigan ni Claudine na si Atty. Ferdinand Topacio na wala silang naging usapan ng kliyenteng actress, sa pakikipagbati nito kay Raymart. Pero, hindi naman raw nila isinasara ang posibleng pag-aayos ng bawat kampo. Kaya lang sa ngayon, ay hindi pa raw tamang panahon para makipag-settle sila kay Raymart lalo pa’t malakas ang laban nila sa korte dahil hawak ni Clau ang buong katotohanan. Samantala, kinompirma pala ni Atty. Ferdie, na isa sa mga araw na ito ay isasampa na ni Mommy Inday Barretto, ang kaliwa’t kanang kaso laban sa anak na si Gretchen Barretto na hindi lang pagkatao niya ang niyurakan kundi ang ama ng actress na si Daddy Mike. Seryoso na raw si Mommy Inday sa gagawing hakbang para mabigyan ng leksiyon ang daughter na di na sila nirerespeto. Hala, very scarry gyud!

Mga Detractor Di Nagtagumpay, Movie Nina Kim At Xian Kumita Ng 21.2 Million Sa First Day Nationwide

Feeling, namin ay puwede na kaming maging Psychic. Kasi sinulat nga namin na hindi kami naniniwala na maapektohan si Kim, ng mga negang write-up na ibinabato sa kanya ng ilang reporter at bloggers. Matatalino na ang ating moviegoers no! at deadma sila sa mga ganyang intriga lalo na kung idolo nila ang tinitira. At para sa kanila kapag maganda ang movie mo at alam nilang mag-eenjoy naman sila ay panonoorin nila ito. Tulad ng latest movie ng hit na hit na tambalang Kim Chiu at Xian Lim na “Bride for Rent.” Hayan dahil sa suporta ng mga nagmamahal sa dalawa at ng mga kababayan natin ay sobrang lakas ng pelikula na hanggang ngayon pinipilahan talaga to the max! Sa first day of showing nito last Jan 15(Wednesday) natiowide ay kumita ang nasabing movie ng 21.2 million. Na labis siyempre ikinatuwa nina Kim, Xian at mga co-star ganoon na rin ng buong Team ng Star Cinema na pinangungunahan ni Ma’am Malou Santos, Sir Mico, at beloved Angel namin ni BFF Pete A. na si Sir Roxy Liquigan. At least ngayon ay muling pinatunayan ng KimXi na talagang mga bankable star sila. Of course malaking factor rin si Tita Pilita Corales sa pelikula. Ang tindi ng arrive ng batuhan nila ng punchline ni Kim sa Bride for Rent tulad ng  “Amazing,” “Exciting,” at “Isn’t It!” Sa Youtube in one week time ay umabot sa 1,629.226 ang views nito. It’s amazing gyud!

That’s My Tambay Grand Finals Sa Eat Bulaga Bukas Na

Bale thirteen ang mga That’s My Tambay finalists ang maglalaban-laban para sa gaganaping Grand Finals bukas sa Eat Bulaga.

At kahapon sa Bulaga ay sinimulan ng magpakitang gilas ng kani-kanilang mga talento ang first batch of finalists na sina Emil Paden ng Calo- ocan City na nagpakita ng galing sa pagsayaw, Nag-impersonate naman ng iba’t-ibang personalidad sa telebisyon si Joemar Bendal ng Tondo Manila, Brent Garcia of Valenzuela City na nagpamalas naman ng kanta, agaw pansin naman ang talent ni Christian Samson na mula Valenzuela sa Magic kung saan naaliw sa kanya ang studio audience, Beatbox naman ang talentong ipinakita ni Mark Buday ng Taytay Rizal at kakaibang talent naman ang hinataw ni RC Vasquez ng Malolos, Bulacan. At ngayong araw na ito abangan sa Bulaga ang pito pang Grand finalist, para sa iba’t iba nilang talento. Malalaking cash prize at iba pang papremyo ang tatanggapin ng kauna-unahang That’s My Tambay kasama ng iba pang winners.

Hindi rin naman uuwing luhaan ang mga hindi papalarin dahil pagkakalooban rin sila ng cash prize depende sa special award na kanilang makukuha sa araw ng finals.

Peter Ledesma

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top