Wednesday , October 28 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ariel at Gelli, hands on sa kanilang mga anak

Ariel at Gelli, hands on sa kanilang mga anak

ANG ganda naman ng team work ng mag-asawang Ariel Revera at Gelli de Belen. Since pareho silang busy sa kanilang showbiz career, hinati nila ang  schedule nila sa mga anak at mga gawaing bahay. Si Ariel ay Kapamilya na dedicated sa trabaho.

This 2014, may ilang projects siyang sisimulan. Katatapos lang niya ng  Maria Mercedes, na isang rich guy na namatay at iniwan sa kanyang asawang si Mercedes (Jessy Mendiola) ang kayamanan at negosyo. Si Gelli naman ay on going ang TV show sa TV5, ang Face The People with Tin Tin Bersola.

Naghati ng role sa pamilya  ang mag-asawang Ariel at Gelli. Pareho silang early riser, kahit anong late matulog. Naging ugali na nilang gumising ng maaga, nagluluto ng agahan si Gelli dahil pumapasok sa school ang kanilang mga anak. Habang naghahanda si Gelli ng almusal, handa na rin ang mga isusuot na uniform  ng mga anak na gabi pa raw ay nakaayos na at si Ariel naman ay nakahanda na rin after shower.

Pagkagising ng mga anak at nakakain na  at ready for school, ihahatid naman ni Ariel. At nakaluto na rin si Gelli ng lunch, meryenda, at dinner. Pagbalik ni Ariel sa bahay, ‘yun na, magkasabay na silang aalis. Sa gabi na sila magkikita muli. Kung minsan naman daw at heavy ang schedule nila ang mommy ni Gelli  ang kanilang tinatawag sa bahay at siyang nagluluto at nagbabantay sa mga anak. Kahit busy at pagod sina Ariel at Gelli, masaya sila. All out ang pasasalamat nila sa Diyos dahil mayroon silang trabaho.

Hindi na muna sila magbabakasyon sa Canada ‘di tulad ng dati, dahil noon wala silang trabaho.

***

PERSONAL… Congratulations PMPC. The Newly elected officers ng Philippine Movie Press Club (PMPC) 2014 ay sina Fernan de Guzman (presidente.), Mel Navarro (VP), Mildred Bacud (secretary), Rodel Fernando (asst. secretary), Boy Romero(treasurer), John Fontanilla (asst. treasurer), Lourdes Fabian (auditor), Sandy Es Mariano (PRO), at William Reyes (PRO). Ang mga board member naman ay sina Roldan Castro, Verro Samio, Rommel Placente, Gerry  Ocampo, Eric Borromeo, at Leony Garcia.

Blow out naman jan!!!!!

Gov. Singsong, nagpa-victory party for Pacman

THANKS ulit kina Angel Locsin, Sharon Cuneta, KC Concepcion, Richard Yap, Vice Ganda, Sherly Mariano, Vince Tanada, (Atty. Vince Tanada), Atty. Persida Acosta, Bea Binene, Gov. E.R Ejercito,  Eugene Domingo, Kuya Germs,  Ricky Lo, Sen. Lito Lapid,  Derik Alex Marcelino, PM (c/o  Salve Asis & Lanie Mate), Jobert Sucaldito at never ending prayer sa lahat…… Isang victory party na rin ang ginanap sa Tent at The Metro Walk, Ortigas  kamakailan it’s never too late naman  for former  Gov. Chavit Singson na bigyan ng party ang bestfriend  na si Cong. Manny “Pacman” Pacquiao.

Sobrang naging busy ang mag-bestfriend at malaking commitment for the champ. Manny  ang Yolanda disaster. Kaya naisantabi muna ang negative na para sa kanya. Naging abala rin si Gov. Chavit at nito na nga lang nakaraang linggo  naganap ang thanksgiving victory party cum Pasko and bagong taon  na rin.  Kaya maraming friends, relatives, showbiz & non-showbiz  at for the first time umapir si Manila Mayor Joseph Estrada & staff  sa said party ni Gov. Chavit for Pacman. Naroon din ang magagandang senior stars na sina Gloria Romero, Daisy Romualdez at iba pa like Danita Paner, Sen. Bong Revilla, Vina Morales, Phillip Salvador, Amay Bisaya, Henry Chua, Lily Chua, at ang punong abala na si Jean Saburit, Grabe!! Ang saya at ang lafang at drinks, umaapaw, parang hindi mahirap ang buhay! Pero saludo ako kay Bossing Chavit.  One of the best person at totoong tao!!

Letty G. Celi

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top