Saturday , October 24 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Angel Locsin, tinawag na ‘desperada’ ng bashers (Dahil sa pagsabing mahal pa rin niya si Luis Manzano)

Angel Locsin, tinawag na ‘desperada’ ng bashers (Dahil sa pagsabing mahal pa rin niya si Luis Manzano)

NAGKAROON ng tsansa ang mga basher ni Angel Locsin upang banatan ang aktres hinggil sa naging pahayag nito na may nararamdaman pa rin siyang pagmamahal sa ex-boyfriend niyang si Luis Manzano.

Nang tanungin si Angel ng mga blogger para sa bagong telesere niyang The Legal Wife ng ABS CBN-2, naging madamdamin daw ang aktres nang hinggil sa kanila ni Luis ang naging usapan.

Sinabi ni Angel na nag-uusap na sila ulit ngayon ni Luis. Naikuwento rin niya na noong nakaraang Bagong Taon ay dumalaw si Luis sa kanilang tahanan, subalit dahil tulog na ang aktres, hindi raw sila nagkita ng binata.

Pahayag pa ni Angel, “Napag-uusapan namin yung mga bagay na hindi namin napag-usapan noon. Pero nandoon pa lang naman kami, kasi pareho kaming galing sa break-up din naman.

“Pero masaya ako na okay na kami. Kasi hindi kami talaga nag-uusap ni Luis before. Hindi kami magkaaway, pero iniiwasan lang namin talaga ang isa’t isa.”

Dito rin inamin ni Angel na mahal pa rin niya si Luis dahil hindi naman daw nawawala iyong love. At nang tanungin pa ang magandang Kapamilya actress kung mayroon kayang posibilidad na magkabalikan pa sila ng binata ni Governor Vilma Santos, ang sagot ni Angel ay, “Sana…”

Diretsahan ding sinabi ni Angel na handa siyang mabatikos dahil sa sinabi niyang ito. “Mas gusto ko nang magalit sa akin ang tao, kaysa sa lokohin ko ang mga tao, ‘di ba? Mas konsensiya ko naman ‘yun.

“Pasensiya na talaga. Gusto ko lang pong maging honest. Importante talaga sa akin yung tao.”

Kabilang nga sa ilang bumatikos kay Angel sa mga taga-subaybay ng PEP.ph ay ang mga sumusunod:

Funrel: anong klaseng revelation yan..akala ko ba sbi ng fantard ni angge c luis ang msyadong nghhabol s kanya at wala n daw pag asa c lucky eh ano tong nagsasana pa cya..cya pa tlaga unang nagreveal n my pagnanasa p cya kay lucky este pagmamahal lol

ABSmobilesim: Desperado na ang angel. Dahil alam na niyang MEGA FLOP ANG kanyang walang kwentang serye. Napanood na iyan nuon pa. Pinaglumaan na iyan. Hysterical acting pa.

Miller05: parehas lang sila ni py mga user

Swanlakegirl: Anong klaseng babae ito ibig sabihin nkipagrelasyon sya kay phil may nararamdaman p sya kaynlucky grabe ka girl dintalaga sanay ang babaengbito na walang boyfriend naghahanap na naman pahinga ka din pag may time girl

MegaPhil: User ka Angel. Kawawa naman si Phil. Ginamit mo lang sya, panakip butas. Di mo sya minahal pero sinagpang mo pa rin. Makakarma ka rin.

Although may mga bumatikos sa kanya sa PEP.ph, marami rin naman ang nagpahayag dito na sila ay kinilig sa gesture ng aktres at sila’y sumusuporta sa nagging pahayag ni Angel.

Nilinaw din ni Angel na hindi gimmick para sa kanilang seryeng The Legal Wife ang mga naging pahayag niya patungkol kay Luis.

Anyway, sa aking pananaw, parang off nga ‘yung statement na ito ni Angel, nang sabihin niyang mahal pa rin niya si Luis. Parang ang dating, siya ang nanliligaw kay Luis para magkabalikan sila. Na siyempre, para sa mga Pinoy, pangit tignan kung ang babae ang nagpapakita ng motibo o nanliligaw sa lalaki, kahit na pa sabihing mag-ex sila.

At sa mga sinasabi ng ilang bashers na magiging mega flop ang serye niyang The Legal Wife, sa palagay ko naman ay hindi ito mangyayari. Malalakas kasi ang mga show ng Dos ngayon, like itong Honesto at Got To Believe, at kung pre-programming mo ang mga ganitong TV shows, nakakasiguro ka na karamihan sa viewers na ito ay hindi na maglilipat ng channel.

Pero ang mas pinaniniwalaan ko, maghi-hit ang serye nina Angel, Jericho Rosales, at Maja Salvador dahil bukod sa maganda ang casts nito, ang gagaling ng mga artistang ito. Sa confrontation scenes pa lang nina Angel at Echo, plus Maja at Angel, sure ako na maraming viewers ang na-engganyong tumutok dito lagi kapag umeere na ito, dahil nakakabilib sila sa mga naturang eksena.

Nonie V. Nicasio

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top