Saturday , October 24 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kris, behave na raw at ‘di na magiging pasaway!

Kris, behave na raw at ‘di na magiging pasaway!

HINDI na raw magiging pasaway si Kris Aquino dahil mahigpit na ang bagong kontrata niya ngayon sa ABS-CBN.

“It’s much stricter now. Kapag pasaway ka, maraming bawas kaya kailangan behaved,” aniya.

Bukod sa mahigpit ay makakasama na si Kris sa Kapamilya Caravan shows sa ibang bansa bagay na interesado pala siya na hindi lang ino-offer ng Dos.

“I am happy kasi kasama ako sa ‘Kapamilya Caravan’, so kasama ako sa pagpunta sa Dubai (Enero 24) ng ‘ASAP.’ So next week, see you all there,” kuwento ni Kris sa panayam niya sa ABS-CBN news.

Gusto naming makatsikahan din si Kris ay nagpaalam kami kung puwedeng pumunta sa contract signing niya, pero kaagad kaming tinext ng, “lunch lang with the big bosses Reg, no presscon.”

Sina ABS-CBN Chairman Gabby Lopez III at President at Chief Executive Officer Charo Santos-Concio ang humarap sa ginanap na pirmahan ng kontrata.

Samantala, tatlong programa ang nakapaloob sa dalawang taong kontrata ni Kris sa Dos at hindi pa binanggit kung ano-ano ang mga titulo nito, pero aniya, “not just talk but magazine, reality, probably cooking, and a game show.”

Balik-tambalan with Boy Abunda

At nagpahiwatig na ang TV host na balik-tambalan sila ng kaibigan cum manager niyang si Boy Abunda sa isang magazine show.

“Sinabi nila na huwag kong pag-usapan but it’s really happening this February but it’s not once a week para wala silang isipin na may mapapalitan o matatanggal. It is something that came about because the time is right,” say ni Kris.

Samakatuwid, tuloy-tuloy pa rin ang Buzz Ng Bayan?

Sariling production/blocktimer

Inamin din ng Queen of All Media na kung sakaling hindi ibinigay ng ABS-CBN ang kahilingan niya sa bagong kontrata ay posibleng magtayo siya ng sarili niyang production company at maski na malaki ang offer ng TV5 ay imposibleng lumipat siya dahil wala siyang work force o think tank.

Aniya, “who would want to leave if you are with No. 1? Kung tatanungin mo ako eh, malaking factor ang advice ng family ko and my sisters.

“Siyempre kasi noong nag-uusap-usap kami, ang iniisip kong option and finally now puwede nang pag-usapan ito.

“Kung hindi man sa ABS-CBN, I would have gone in a different direction and not entertainment.

“So para once and for all ma-klaro ‘yon, ‘yung ibang options na napag-usapan, hindi related sa field of television ‘yun.

“Ang posible sanang mga tatahaking landas and ang sinabi ko ‘yung totoo, sinabi ko na kung hindi kami nagkasarahan dito, ‘yung kinita sa ‘Little Bossings’ ay gagastusin ko sana to set up my own production company and be a block-timer on TV.

“Pero ‘yung para nanggaling ka rito tapos lilipat ka ng buong-buo for something like this, hindi po ‘yon talaga ang napag-usapan. Klarong klaro lang.

“Anybody who is up for contract renewal, you will negotiate. Kung hindi na interesado sa inyo ang kompanya, hindi na sila makikipag-negotiate sa inyo. So in-exercise ko lang ang karapatan ko bilang contractual talent.

“Siguro mas babagay siguro na pagkatapos ng entertainment, susubukan kong maging negosyante,” paliwanag mabuti ni Tetay.

Sobrang naman ang pasalamat ng buong staff ng Kris TV sa kanya dahil sa muli niyang pagpirma ng kontrata sa ABS-CBN dahil ibig sabihin daw ay, “yahoo, may trabaho pa kami, thank you Ms Kris for staying, we are still alive!”

Ayaw naman ni Kris na may mawawalan ng trabaho sabi mismo ng taong malapit sa kanya, maliban sa ibang dahilan, “si Kris naman kaya na niyang ipagtanggol ang sarili niya dahil anytime puwede siyang magpa-interview, kaso gusto niyang maramdaman na Kapamilya nga ang turing sa kanya ng ilang tao sa ABS-CBN.”

Reggee Bonoan

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top