Thursday , October 22 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Maja, napatawad na ni Kim

Maja, napatawad na ni Kim

HINDI man tuwirang tinukoy ng lead actress ng inaabangang comedy movie na Bride for Rent na siKim Chiu ang pangalan ni Maja Salvador, marami ang naniniwalang isa ang actress sa pinatungkulan nito sa pahayag na lahat ng mga negative na nangyari sa kanya last 2013 ay iniwan at kakalimutan na niya.

Maaalalang isa si Maja sa grabeng nakaalitan ni Kim noong nakaraang taon kaya naman marami ang nag-assume na napatawad na ni Kim ang dating kaibigan. Kaya malaki ang tsansang maging maayos o maibalik na muli ang kanilang friendship.

Mas gusto raw kasi nito na maging positibo sa lahat ng bagay ngayong 2014, kaya naman ayaw na nitong alalahanin o balikan pa ang ‘di magagandang nangyari sa kanya noong 2013.

Unisilvertime thanksgiving party, idinaos

MASAYA ang thanksgiving party ng Unisilvertime, ang nangungunang brand ng relo sa Pilipinas na ginanap sa Crown Prince Seafood Restaurant, sa Escolta noong January 10.

Sa pangunguna ng mga big boss ng Unisilvertime na sina Mr. Albert Que, Mr. William Co, at Mr. King Go na nag-celebrate ng kanyang birthday, Ms. Cathy, Sir Gian, at Ms. Ebeth.

Dumalo rin at nakisaya ang mga big boss ng Royqueen na sina Jojo Manto, Edward Yu, Billy Liu, at Nancy and Allan Ong ng Mario D Boro at Cardams Shoes.

Dinaluhan din ang thanksgiving ng mga image model ng Unisilvertime na sina Sam Milby, Karylle, Derrick Monasterio, Joshua Dionisio, Ken Chan, Bea Binene, Enzo Pineda, Ken Chan, Teejay Marquez, at ng UpGrade na kinabibilangan nina Kcee Martinez, Rhem Enjavi, Ron Galang, Miggy San Pablo, Armond Bernas, Raymond Tay, at Mark Baracael.

John Fontanilla

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top