Wednesday , October 21 2020
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Feng Shui good luck tips para sa Monkey sign

Feng Shui good luck tips para sa Monkey sign

ANG 2014 ay very good year para sa Monkey people. May mga oportunidad sa dagdag income, travel at bahagyang swerte sa relasyon.

Wealth and career: Maraming mga oportunidad ang magbubuo ng yaman para sa Monkey people sa 2014. Upang magamit ang enerhiyang ito, gumamit ng iba’t ibang feng shui wealth cures. Mag-focus sa feng shui cures na may strong earth element katulad ng iba’t ibang crystals, Dzi beads o gem treen. Ang iyong career ay nakahanda na sa pagpapaimbulog, kaya palakasin ang enerhiyang ito ng wastong feng shui cures para sa career success.

Love: Bahagya lamang ang ang swerte sa personal relationship sa 2014. Arugain ang enerhiya ng love sa inyong bahay ng good feng shui bedroom, gayundin ng mapipiling feng shui love cures. Ang presensya ng Kwan Yin o Medicine Buddha sa inyong feng shui relationship area (Southwest bagua area) ay maaaring magdulot ng calming, protective energy.

Health: Ang balanseng enerhiya sa feng shui health trinity sa tahanan ay makatu-tulong sa iyong manatiling kalmado at malusog, kaya pagtuunan ito nang pansin sa buong taon. Gayundin, maghanap ng popular feng shui cures para sa mas mainam na kalusugan, katulad ng essential oils, air purifying plants, good feng shui art, crystals, etc. Hangga’t nagagawang mabalanse ang iyong enerhiya, mae-enjoy mo ang excellent year ng vibrant health.

Lady Choi

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top