Saturday , October 24 2020
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Santambak na basura sa Maynila hindi kayang hakutin ng bagong kontratista (Mayor Erap, magre-resign ka na ba?)

Santambak na basura sa Maynila hindi kayang hakutin ng bagong kontratista (Mayor Erap, magre-resign ka na ba?)

00 Bulabugin JSY

HINDI na tayo nagtataka kung bakit namamantot at nagkalat ang mga santambak at puta-putaking basura sa Maynila.

Aba ‘e ang ginagamit palang panghakot ng B.E.S.T Volunteer ay BULILIT DUMP TRUCKS.

Ngek!!!

‘Yung iba pabalik-balik para mahakot ang mga basura, pero mas marami ‘yung mga hindi na bumabalik kaya tuluyan nag naiiwan ang basura.

Kinabukasan na binabalikan ang mga naiwan na basura. Kaya hayun, kasula-sulasok talaga ang amoy ng Maynila ngayon.

Nagdeklara pa si Yorme Erap na magre-resign daw siya kapag hindi nahakot ang basura sa loob ng tatlong araw makalipas ang bagong taon.

Paano ngayon ‘yan!? Gagawin ba niya ang pagre-RESIGN?

Unsolicited advice lang kasi Mayor Erap, mag-ikot-ikot ka naman sa Maynila at huwag iyong naghihintay ka lang ng reports sa mga SIPSIP boys sa opisina mo.

Mag-ikot ka!

Huwag ka masyadong umaasa o naghihintay sa mga report ng mga gustong magsipsip sa iyo.

Gaya noong panahon ni Mayor Alfredo Lim na napaka-visible niya sa mga tao.

Si Mayor Fred Lim mismo ay personal n’yang nakikita kung ano ang problema sa Maynila at ‘yang mga ‘yan ay ‘hands-on’ niyang nireresolba.

Hindi po natin ikinokompara si Erap kay Mayor Fred Lim.

Gusto lang natin sabihin na maraming paraan kung gustong resolbahin ang isang problema, ‘di po ba Mayor Erap?!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top