Wednesday , September 24 2025

P10-M naabo sa Global City

TINATAYANG nasa P10 milyong halaga ng ari-arian at paninda, ang nilamon ng apoy sa sumiklab na sunog sa isang home depot sa Taguig City, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ni Taguig Fire Marshal Chief Insp. Juanito Maslang, sumiklab ang apoy sa loob ng MC Home Depot, sa  32nd Street, 7th Avenue,  Fort Bonifacio, Global City, dakong 1:30 ng madaling araw.

Umabot sa ikalimang alarma at Task Force Alpha ang naturang sunog dahil sa mabilis na pagkalat dulot na rin ng mga kemikal na nakaimbak sa loob ng naturang home depot.

Wala namang naitalang nasaktan sa insidente at hindi naman nadamay ang mga kalapit na establisimiyento. (J. GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Tuba Benguet landslide bagyo Nando

Sa Tuba, Benguet
9 sugatan sa landslide sa pananalasa ng bagyong Nando

SUGATAN ang siyam katao sa ilang naiulat na mga insidente ng pagguho ng lupa sa …

Dead body, feet

Sa Tanza, Cavite
Bangkay ng lalaki natagpuan sa liblib na lugar

WALA nang buhay nang matagpuan ang katawan ng isang lalaki sa liblib na bahagi ng …

Sta maria Bulacan Police PNP

Motorsiklo tinangay, ipinang-roadtrip 2 kabataan timbog

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki at kaniyang kasamang menor de edad na itinurong …

Norzagaray Bulacan police PNP

P38-K kita ng tindahan sinikwat ng empleyado

INARESTO ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos tangayin ang kita ng tindahang pinagtatrabahuan sa …

Taguig PNP Police

Motorsiklo ninakaw, tinangkang ibenta; Pulis-Taguig timbog sa mga kabaro

NASAKOTE ang isang pulis na nakatalaga sa Taguig CPS matapos tangkang ibenta ang ninakaw na …