Saturday , October 24 2020
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Nakalipad na mga lobo sa dream

Nakalipad na mga lobo sa dream

Dear senor h,

Nnginip ako and dw po lobo peo lumipad ung iba. Yun namang iba n lobo ay nkuha p rin, please po, paki-interpret naman ang panginip ko, huwag u na lang lalagay cp # ko, miss x…

To Miss X,

Ang panaginip ng hinggil sa lobo ay nagpapakita ng bumababang pag-asa sa paghahanap mo ng pagmamahal. Maaari rin na may sitwasyon sa iyong buhay na maghuhudyat ng pababang kalagayan o pababang patutunguhan nito. Ang mga lobo ay nagre-represent din ng pagiging arrogance at ng inflated na opinion mula sa iyong sarili. Kung makakita ng itim na lobo, ito ay sagisag naman ng depression, lalo na kung ang mga lobo ay pababa na. Maaari rin namang ang kahulugan nito ay ang frustrating conditions sa i-yong buhay, kabaligtaran ng  paghaha-ngad mong pag-asenso. Posibleng may pahapyaw na kagustuhan din ito ng ukol sa pagtakas. Sa positibong bagay naman, ang mga lobo ay simbolo ng celeb-ration at festivities. Kailangan mong kilalanin ang inner child sa iyong pagkatao. Maaaring ang ilang insidente ng nawalang oportinidad sa parte mo ay nagre-represent ng lumipad na lobo. Subalit dahil nakuha rin ang ibang lobong lumipad, posibleng nagpapakita ito ng pagbawi naman sa ilang hindi magagandang pangyayari sa iyong buhay. Kailangan lang na huwag kang mawawalan ng pag-asa at naka-focus ka sa iyong mga mithiin sa buhay, upang magkaroon ito ng katuparan

Señor H.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top