Tuesday , September 23 2025

15 patay sa flashflood, landslide sa Mindanao

UMAKYAT na sa 15 ang namatay sa nararanasang pagbaha at landslides dulot nang walang tigil na pag-ulan sa Mindanao bunsod ng umiiral na low pressure area (LPA).

Kinilala ni Compostela Valley police chief Camilo Cascolan ang isa sa mga biktima na si Jenemae Gonzales, habang sugatan ang pitong iba pa.

Ayon pa opisyal, 30 pamilya ang inilikas sa Mt. Diwata Elementary School dahil sa pagtaas ng tubig habang nagpapatuloy pa ang rescue operations ng mga police personnel sa lugar.

Sa Davao Oriental, lima ang naiulat na namatay dahil sa nangyaring pagguho ng lupa sa Brgy. Bangol sa bayan ng Tarragona.

Ayon kay provincial police chief Jose Carumba, natukoy ang mga biktima na sina Misael Caballes, Ramil Legazpi, Nino Madindin, Alfredo Mosos at Roy Baron.

Samantala sa Davao del Norte, mahigit 2,000 pamilya ang lumikas sa mas ligtas na lugar matapos umabot hanggang dibdib ang lalim ng tubig-baha.

Una rito, inalerto ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) ang mga lugar na direktang naaapektuhan ng low pressure area.

Sa ipinalabas na weather advisory ng NDRRMC, nakasaad na ang nasabing weather system ay magdadala nang malakas na ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat sa Mindanao partikular sa Caraga region, Compostela Valley, Leyte, Samar, Negros, Bohol at Cebu na pwedeng maging sanhi ng flashfloods at landslides.

Dahil dito, nagbabala ang NDRRMC sa mga residente na nakatira sa mga nasabing lugar na magpatupad ng kaukulang precautionary measures.

Pinayuhan din ang mga operator ng maliliit na barko at fishing vessels partikular ang mga mangingisda na huwag munang pumalaot dahil sa malalaking alon na dala ng LPA.  (BETH JULIAN)

6,000 PASAHERO STRANDED SA SORSOGON

LEGAZPI CITY – Mahigit 6,000 pasahero ang stranded  sa mga pantalan sa Sorsogon dahil sa sama ng panahon na patuloy ngayong nararanasan sa ilang mga lugar sa rehiyong Bicol.

Ayon sa pinakahuling tala ng Coast Guard District Bicol, kabuuang 6,093 pasahero ang nananatili ngayon sa mga pantalan sa lalawigan ng Sorsogon na patungong Samar-Leyte provinces.

Nasa 4,000 pasahero sa Matnog Port, 1, 993 sa Sorsogon City at 100 naman sa Juban.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia PBBM Protest Rally

Para kay Goitia
Kaguluhan bigo, diwa ng Pinoy nagtagumpay

ANG kaguluhan na sumiklab sa Mendiola noong Setyembre 21 ay malinaw na nagpapakita, ayon kay …

Sec Solidum sees thriving food innovation and salt industry in Northern Mindanao

Sec Solidum sees thriving food innovation and salt industry in Northern Mindanao

DOST Secretary Renato U. Solidum, Jr. witnessed it firsthand during his visit to Northern Mindanao, …

DOST Region 2 Strengthens Technology Transfer Through Fairness Opinion

DOST Region 2 Strengthens Technology Transfer Through Fairness Opinion

TO ensure that innovative technologies from local research institutions find their way to industry partners, …

One Verse SB19

SB 19 idolo ng One Verse

PROMISING ang baguhang PPop boy group na  One Verse na nasa pangangalaga nina Jhay  Layson, Direk Jaysar Lorayna, Direk …

Bulacan

Sa Bulacan
DAAN-DAAN NAGPROTESTA VS KORUPSIYON

“BAHAIN ng galit ang mga buwayang kurakot!” Sigaw ng hindi bababa sa 500 kataong nagmartsa …