Thursday , October 22 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Vice, ‘di na raw kayang kontrolin ang work attitude?

Vice, ‘di na raw kayang kontrolin ang work attitude?

DATI nang nababalitang may kung anong work attitude mayroon si Vice Gandaright on the grounds of his home studio, ang ABS-CBN.

If showbiz is abuzz with stories na kesyo sakit ng ulo si Vice ng kanyang mga katrabaho due to his quirks, this time around ay sangkot na raw ang management ng network na umano’y hindi na siya kayang kontrolin.

Hindi kami naniniwalang ang estasyon pa should be at the mercy of its contractual talents—even of its biggest and most revenue-generating stars at that. ABS-CBN, for all its right, must assert itself nang hindi pinamimihasa ang isang tulad ni Vice na magluka-lukahan indicative of his megalomaniac tendency.

Wala si Vice kung wala ang ABS-CBN, therefore, Vice should toe the line. Always, it’s the network that calls the shot. Kailan pa naging mas superior ang artista kaysa pinagkukunan niya ng literal na tinapay at mantikilya, aber?

Kaya successful ang role na Rocky…

KIM, THANKFUL NA NAPALILIGIRAN NG MGa BEKI

A different Kim Chiu is out to shock her fans in Star Cinema’s Bride For Rent, still in the continuing celebration of the film company’s 20th anniversary.

In the movie directed by Mae Czarina Cruz, Kim sheds off her pa-tweetums image. Rather, mas agresibo at mala-nympho ang kanyang atake sa kanyang papel bilang Rocky de la Cruz. Xian Lim, her love interest, is just too comfortable with Kim’s stunning transformation.

Bagamat naniniwala ang buong cast nito that come its showing on January 15 ay mayroon na namang box office ace up Star Cinema’s sleeve, Kim and Xian literally have butterflies in their stomachs dahil kapwa tumabo sa takilya ang Metro Manila filmfest entries nito, ang Girl, Boy, Bakla, Tomboy at Pagpag.

According to Kim, however, ”Romance (with horror) ang ‘Pagpag’, while comedy naman ang kay Vice Ganda, ‘yung sa amin, pinaghalo. Isa itong romcom (romantic comedy).”

Pag-a-assure pa ng aktres, cliché as it may sound ay nag-um-effort siya in essaying the role of Rocky, a girl from the slums na isang breadwinner ng kanyang pamilya. Asked kung may pinagkopyahan siya ng kanyang portrayal, Kim retorted,”Mga bakla!”

Generally, nakatutuwa raw ang mga bading, an element which is principally required of her role. She feels too lucky she’s surrounded by a battalion of gay men off-camera.

Sure kaya si Kim na napaliligiran lang siya ng mga beki sa produksiyong wala sa harap ng kamera?

Latest endorsement ni James, swak sa personalidad

SWAK  na swak kay James Yap ang kanyang latest endorsement as the image model of Razor Sports, a men’s grooming bar on the 3rd level of the Trinoma Mall.

Physically made up of sports memorabilia from various sporting events, ang maituturing na literal cutting edge ng naturang bar ay ang angkop na konsepto nitong may kinalaman sa relasyon ng coach at ng player.

A star San Mig Coffee player, ang Razor Sports ay inihahalintulad sa isang coach who understands and respects his player, ngunit kailangang taglay nito ang kredibilidad to suggest calls deemed fit for his trainee.

With 20% discount on all services until January 31, bagamat ang target market nito ay mga kalalakihan mula 16 hanggang 35 years old ay puwede rin siguro roon magpagupit ang anak na si Bimby. A salon junkie herself, siguro naman ay papayag si Kris Aquino na magkaroon ng bonding moments ang mag-ama even over some “kuwentong barbero.”

Ronnie Carrasco

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top