Wednesday , November 5 2025

Sa Region 12, patay sa dengue 67 na – DoH

TUMATAAS ang bilang ng mga namamatay dahil sa sakit ng dengue sa Rehiyon 12.

Ayon sa kompirmasyon ng Department of Health (DoH) Region 12, mula sa 12,000 kaso ng dengue sa rehiyon ay umaabot na sa 67 ang iniulat na namatay.

Sinabi ng DoH, mas mataas ito kung ikukumpara noong 2012 na mayroon lamang 50 namatay.

Base sa monitoring ng DoH-12 Regional Epidemiology and Surveillance Unit o RESU, bago matapos ang 2013, umakyat ng 118 porsyento ang kaso ng dengue.

Napag-alaman din na 60 porsyento ng mga may sakit na dengue noong 2013 ay mga lalaki na may edad 11-anyos pataas.

Sinabi ni DoH-12 RESU Chief Dr. Alibaby Digno, ang North Cotabato ang may pinakamataas na kaso ng dengue noong 2013 na umabot sa humigit kumulang 3,000.

Sa ngayon ay hindi pa rin tumitigil ang DoH sa isinasagawang monitoring para makontrol ang paglobo ng bilang ng mga namamatay sa dengue.

(BETH JULIAN)

TIGDAS SA AKLAN, 200 NA

KALIBO, Aklan – Patuloy ang pagtaas ng bilang ng kaso ng tigdas sa lalawigan ng Aklan.

Ayon kay Jay-L Pelayo, Administrative Aid III ng Aklan-Provincial Health Office, nakapagtala sila ng 191 kaso ng tigdas kasama ang dalawang namatay noong nakaraang taon habang nasa 437 ang suspected measles cases.

Aniya, mas pinaigting nila ang kampanya sa pagbabakuna laban sa tigdas lalo na sa mga kabataan na siyang madalas tamaan ng nasabing sakit.

Ang massive vaccination ay isinagawa sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa high school at elementary sa lalawigan.

Kung maaalala, Setyembre noong nakaraang taon nang isailalim sa state of calamity ang Aklan dahil sa mataas na kaso ng tigdas.

Sa kabilang dako, dahil sa maraming mga festival na ginaganap sa iba’t-ibang bahagi ng lalawigan, nanawagan si Bella Villaruel, coordinator ng Aklan Expanded Program on Immunization, na huwag nang sumama ang mga may tigdas dahil mabilis itong makahawa.

Maaari aniyang maiwasan ang sakit sa pamamagitan ng pagpapabakuna, pag-inom ng maraming tubig at sapat na pahinga.

Ang tigdas ay sakit na kadalasang sanhi ng virus na tinatawag na morbillivirus paramyxovirus.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Salceda AIAI

Albay AI Institute, inilunsad ni Salceda

POLANGUI, Albay – Inihag at inilunsad sa bayang ito kamakailan ni dating Albay 2nd District Rep. …

Rodjun Cruz

Rodjun aminado Rayver mas magaling sumayaw (kahit dalawang beses nag-champion)

MATABILni John Fontanilla GRAND champion  ang duo nina Rodjun Cruz at Dasuri Choi sa katatapos  na Stars on the Floor ng GMA …

PNP Nartatez Saludo Joel Deiparine

PNP, Nagbigay-Pugay kay Capt. Deiparine: Isang Buhay ng Katapangan, Paglilingkod, at Dangal

Pinangunahan ni Acting Chief PNP, Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang pagkilala …

PNP Nartatez Undas Bus

PNP naka-full alert para sa ligtas na paggunita ng Undas 2025

Habang milyon-milyong Pilipino ang nagsisiuwian upang alalahanin ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay, nakahanda …

Scam fraud Money

Opisyal ng DA at  PRDP  at maliliit na contractors nabiktima ng scammer

ISANG grupo ng mga scammer ang nalantad sa pagpapakalat ng mga gawa-gawang kuwento ng katiwalian …