Thursday , October 22 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kim Chiu tinitira pa ng kahit sino (Binully na nga’t lahat lahat sa kanilang presscon! )

Kim Chiu tinitira pa ng kahit sino (Binully na nga’t lahat lahat sa kanilang presscon! )

Present kami sa Grand Presscon ng latest movie nina Kim Chiu at Xian Lim na “Bride For Rent” na palabas na sa mga sinehan nationwide sa January 15. Noong una ay naging okey naman ang batuhan ng tanong sa pagitan ng mga artista ng  pelikula at director nito na si Mae Cruz at entertainment writers. Nagkaroon lang ng tensiyon ng matanong si Kim ni tita Aster Amoyo sa estado ng relasyon nila ni Xian ngayon. May patutsada si tita Aster na sa aming palagay ay ikinapikon ni Kim lalalo na noong sabihin ng kolumnista na sawa na ang press sa paligoy-ligoy na sagot ni Kim at Xian na parang close lang sila at wala pa ring namumuong romansa sa pagitan ng isa’t-isa. Doon na sumagot si ang Teleserye Princess (Kim) ng “We don’t owe any of our personal lives.” Siguro, nabigla lang ang young actress pero wala naman siyang bad intentions ng pakawalan niya ang mga sagot niyang ito sa tanong. Kaso mo, bigla namang nag-react si katotong Roel Villacorta na na-offend ni Kim ang press. Bakit ba kasi pinalalaki ang issue? Para bang si Kim lang ang kaisa-isang artista sa industriyang ito na nag-deny ng relasyon. At saka kasama ba nila tayo ni Xian ng 24/7 para husgahan at pangunahan natin sila. Aba! Kung kondenahin nila ngayon si Kim ay parang nakagawa ng malaking krimen at kung sino sino na lang ang tumitira sa Kapamilya actress. Well, sa aming palagay dahil matatalino na ang moviegoers ngayon at talaga namang sobrang nakakaaliw ang Bride for Rent ay tatangkilikin nila ang pelikula na sobrang ipinagmamalaki ni direk Mae. Oo naman! Sa trailer pa lang ay tawang-tawa na ang lahat sa kakikayan rito ni Kim at plus factor pa ang pagkakasama ni Pilita Corales na hanep sa punchline nila ni Kim. Wala ring hindi kikiligin kay Xian dito dahil todo bigay ang ka-sweatan nila ni Kim na sabi nga ay nahanap na ang character na para sa kanya na bagay na bagay sa romantic comedy film tulad ng nauna na nilang Bakit Hindi Ka Crush, Ng Crush Mo na tumabo sa takilya. I will watch this film gyud!

Sen. Bong Revilla Naging Emosyonal Sa Pagharap Sa Press

Sobrang na-miss ng mga reporter si Sen. Bong Revilla. Kaya naman lunchtime last Friday ay naging excited ang lahat kabilang na ang inyong columnist, sa isang salo-salo sa Annabels Resto para kay Bong kung saan sinuportahan siya ng kanyang misis na si Congresswoman Lani Mercado. Hindi naiwasan ng actor-politician na maluha sa harap ng press habang sinasabi ang lahat ng kanyang sentimiyento sa mga kinaharap na kontrobersiya last year. Nakatutok ang lahat habang nagsasalita si Bong lalo pa’t matagal ng hihinintay na marinig ang panig nito sa mga akusasyon sa kanya na hindi pa siya nahahatulan ay hinusgahan na siya ng iba. Narito ang mga naging pahayag ni Sen. Bong sa nasabing pagtitipon. “Nagpapasalamat kami sa inyong lahat na nagmamahal pa rin sa aming pamilya, despite sa matinding pagsubok sa amin ng nagdaang araw. “Sana naman ang 2014, sana, is a better year for all of us. Di lang naman ako ang dumaan sa matinding pagsubok na ito kundi ang buong sambayanan. Kaya ako’y naniniwala na sa tulong ng Panginoon, itong bagong taon na ito ay magiging maganda para sa atin. “Kaya sa pagkakataong ito, sabi nga eh, matinding pagsubok ang pinagdaanan natin, pagsubok na, kailanman hindi ko inaakalang pagdaraanan ko at ng aking pamilya. “Sabi nga, pag ang isang tao ay dumadaan sa isang matinding pagsubok, minsan masakit mang sabihin pero ito ‘yung panahon na napapalapit ka sa Panginoon. “Positibo ako. Maski naman noon. Pero ang masasabi ko lang, sabihin natin na, napasadsad nila si Bong Revilla, napabagsak nila si Bong Revilla, pero ang masasabi ko, babangon ako,” mangiyak-ngiyak pang pang pahayag ni Bong at dagdag pa nito. “The truth will set as free. Ang masasabi ko lang, sana ay unawain ng sambayanan kung bakit hindi agad ako nakapagsalita tungkol sa issue. “Ang hinihiling ko lang sa sambayanan, sana ay pakinggan kami at sasabihin ko kung ano ang totoo.” At gagawin ito ni Sen. Bong sa kanyang nakatakdang privilege speech sa January 20 kung saan ay isa-isa nitong idedepensa ang sarili sa pagkakasangkot niya sa Pork Barrel scam. By the way, dahil sa kanilang anak na si Bryan na syang nag-initiate na mag-Bible Study sila kaya mas lalong napalapit si Bong at Lani sa Diyos.

Bossing Savings Napapalago Ng Mga Winner Sa Sugod-Bahay Sa Barangay

Natutuwa si Bossing Vic Sotto na sa kabila ng sobrang hirap ng dinaranas ng mga kababayan natin na mga nanalo sa kanilang sugod-Bahay sa Barangay sa “Juan for All All for Juan!” Mayroon namang napalago ang savings account nila mula sa initial deposit na ibinigay sa kanila ni Bossing at ng Eat Bulaga katuwang ang BPI Globe Banko. Actually may Pakontes pa si Bossing Vic, na bibigyan nila ng bunos na papremyo ang residenteng winner nila sa isang Barangay na napalago ‘yung account nila sa BPI. Ito ‘yung mga taong marunong talagang humawak at magpahalaga ng kanilang finances. Gusto ng Eat Bulaga na umasenso rin ang maraming Dabarkads. kaya naman ginagawa ng Bulaga ang lahat ng kanilang makakaya para makapag-ipon ang sinumang mapalad na winner nila sa sugod-bahay. Syempre masaya rin sina Jose Manalo, Paolo Ballesteros at Val dahil naging instrumento rin sila sa pag-asenso ng mga ito.

Peter Ledesma

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top