Wednesday , October 21 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Arjo, malaki ang adjustment na gagawin sa Pure Love

Arjo, malaki ang adjustment na gagawin sa Pure Love

SA Miyerkoles, Enero 15 ang dating ni Alex Gonzaga galing Amerika at diretso raw siya sa taping ng Pure Lovekasama si Arjo Atayde.

Si Alex na lang daw ang hinihintay kaya hindi pa makapag-taping ang nasabing Pinoy version ng Pure Love na isang Koreanovela.

At habang wala si Alex ay nagpapapayat si Arjo dahil sobrang tumaba raw siya nang magbakasyon silang pamilya ng isang linggo sa Japan noong Disyembre.

Excited ang aktor sa Pure Love project nila ni Alex dahil natutuwa siya sa dalaga, “ina-admire ko siya, masaya kasi siya, bubbly siya, eh, gusto ko ng ganoong personality. Ayoko ng pa-sweet lang, gusto ko ‘yung hindi ako mabo-bore, no dull moment,” kuwento ni Arjo.

Crush ng aktor si Alex noon pa, ”ayoko pong gamitin ang word na crush, but more of admiration kasi gusto ko po ‘yung personality niya bilang tao, napaka-unique niya para sa akin bilang tao.  Iba talaga, makulit, taong kausap,” say pa ng binata.

Nagkasama na sa workshop sina Arjo at Alex kaya napagmasdan at nakilala niya ng kaunti ang ugali ng aktres kaya natutuwa siya.

Pero klinaro ni Arjo na hindi sila textmates ni Alex, minsan lang daw niyang tinext ito para kumustahin at hindi na naulit pa, “ganoon lang po,” aniya.

Light drama ang Pure Love at hindi action ang papel ni Arjo na kabaligtaran sa Dugong Buhay na aksyon kaya tinanong ang binata kung hindi siya maninibago sa bago niyang papel na gagampanan.

“Adjustment lang po sa lahat, kasi complex naman ang role ko, so, mahirap din,” esplika ng binata.

Samantala, binati si Arjo sa papel na gay parent na ginampanan niya sa Maalaala Mo Kaya na ipinalabas noong nakaraang Sabado dahil bukod sa mataas ang ratings ay marami ang nagulat na tinanggap ng aktor ang project.

“Well, actually, tinanggihan ko na po ‘yun kasi hindi pumuwede ‘yung schedule ko rati tapos ibinalik lang ulit, so siguro destined talaga for me ‘yung role ko sa ‘MMK’ kasi bumalik sa akin, eh.

“A day before lunch nabasa ko ‘yung script, sabi ko, ah kaya ko ito, iyakan tapos naglalagay ako ng pointers, kasi ganoon  ako, iniisip ko ‘yung mga gagawin ko.

“Tapos pagdating sa set, hindi ko pala kaya, pero tinulungan nila ako (production staff), kaya nagulat ako sa ratings kasi talagang hell days talaga sa akin ‘yun,” pagkukuwento ni Arjo.

At higit sa lahat ay may smack kiss pa sila ni Felix Roco kaya naloka si Arjo.

“Sabi ng direktor ko, kiss mo si Felix, sabi ko, ‘direk, iki-kiss ko si Felix?’ Naka-three takes ‘yun, iba’t ibang anggulo.  First time kong humalik ng lalaki talaga.  Internalize ko talaga,” kuwento pa.

“Ang iniisip ko kasi, baka hindi ko kaya, kasi tiyak ang daming magko-comment na bading, of course ‘yung mga tao sa ABS (CBN), na pangit, maganda, okay lang ganoon.

“I was so scared talaga kasi baka hindi ko talaga kaya kasi may mga nuisances akong hindi kaya, may mga tingin na lalaki.  So ‘yun ang tanong ko sa sarili ko na baka hindi tanggap.  But I got a peg, si tita Peewee (kaibigan ng mama niya), kalmado lang.  Itong bading na ito is more of a mother.

“Talagang every scene, alam ng ‘MMK’ ang struggle ko, ‘yung hand movement, I didn’t expected it to be like that, kapag ‘yun ang ginagawa ko, sobrang awkward ako, but the director keeps on telling me, just keep doing it,” mahabang kuwento ng aktor.

Ang reaksiyon  daw ng pamilya niya nang mapanood ang MMK episode ay tinext siya ng, “ano, I really did well daw.  Kasi nagpatay ako ng cellphone habang pinapanood ko, tapos noong buksan ko na, grabe, ang dami-daming text messages pala at kino-congratulate naman ako.”

As of now ay loveless si Arjo at sa career ang konsentrasyon niya dahil sayang ang tsansang ibinibigay sa kanya ng ABS-CBN.

Reggee Bonoan

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top