Tuesday , November 4 2025

Parks ‘di pa sigurado sa NU

WALA pang pahayag si Bobby Ray Parks kung lalaro pa rin siya sa National University sa darating na UAAP Season 77.

Sinabi ng board representative ng NU na si Nilo Ocampo na hindi pa niya kinakausap si Parks tungkol dito.

“That is a big question. I honestly don’t know. He is graduating but I don’t know what his plans are. Yes he is still eligible to play for us,” wika ni Ocampo.

“I leave it up to the coaching staff. I believe they’re talking to him about it. Ako naman, we always talk ni Bobby Ray, pero I never mention the matter to him. We talk about other things.”

Sa ngayon ay naglalaro si Parks sa NU bilang Banco de Oro sa PBA D League ngunit may isang panalo lang ang Bulldogs sa torneo kontra sa pitong talo.

Nag-average si Parks ng 17.8 puntos at 8.1 rebounds para sa NU noong UAAP Season 76 kung saan natalo ang Bulldogs sa Final Four kalaban ang University of Santo Tomas kahit hawak nila ang twice-to-beat na bentahe.

Naglaro rin si Parks sa Sinag Pilipinas na nakamit ang gintong medalya sa men’s basketball sa huling Southeast Asian Games na ginanap sa Myanmar .

Ilan sa mga kinukunsidera ni Parks ay ang paglalaro niya sa NBA o ang pagpasok sa 2014 PBA Rookie Draft. (James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Catherine Cruz Batang Pinoy

Pang-4 na ginto, ikinuwintas ni Cruz sa Batang Pinoy 2025

GENERAL SANTOS CITY –Nakamit ni FJ Catherine Cruz ng City of Mabalacat ang pang-apat na …

ArenaPlus Miguel Tabuena

BingoPlus Brings the International Series to the Philippines, Highlighted by a Home Victory for Miguel Tabuena

Setting the Pace on the Fairways The Philippine golf scene came alive as the International …

Noah Arkfeld Surfing PSC

Arkfeld, sakay ng ‘alon ng mga pangarap’ patungo sa matagumpay na surfing career

GENERAL LUNA, SIARGAO — Habang karamihan sa mga bata ay nagsisimula pa lamang matutong magbisikleta, …

Franklin Catera Batang Pinoy Games

Batang Pinoy 2025
Catera nagtala ng bagong rekord sa high jump

GENERAL SANTOS CITY –  Umukit ng panibagong record si Franklin Catera ng Iloilo City nang …

ArenaPlus Miguel Tabuena FEAT

ArenaPlus official ambassador Miguel Tabuena becomes the first Filipino to win the International Series Tournament

Ignited with grit and perseverance, ArenaPlus ambassador Miguel Tabuena wins his first International Series trophy …