Wednesday , September 30 2020
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Feng shui good luck tips sa Dragon Sign

Feng shui good luck tips sa Dragon Sign

ANG Wood Horse energy ng 2014 ay inaasahang magiging hamon sa mga isinilang sa Dragon year. Gayunman, sa matinding pagsisikap at sapat na determinasyon gayundin sa self-reliant, mae-enjoy ang magandang taon.

Wealth and career: Mainam na maging maingat ngayong taon, gayundin ay gumamit nang malakas ng feng shui protection at wealth cures. Ang Pi Yao ay ikinokonsiderang most powerful remedy para sa challenging feng shui energies ng 2014, maaaring magdala ng isa nito bilang personal amulet. Ang isa pang good feng shui cure na maaaring mag-counterbalance sa epekto ng negative star ay ang metal bell o singing bowl na ilalagay sa East area ng bahay o opisina.

Love: Ang 2014 ang maaaring maging best year (para sa iyo) para sa pagtalon sa bagong relasyon. Kung mayroon ka nang relasyon, tiyaking pagtutuunan ito nang sapat na atensyon. Magbuo ng very good feng shui bedroom para sa iyong sarili, at malakas na feng shui front door at happy overall energy sa inyong bahay. Ang pag-focus nang higit pa sa self-love at pagiging matiyaga, kaysa maghanap ng love sa labas ng iyong sari-li, ang makatutulong sa iyo sa taon na ito sa least challenge.

Health: Ang kalagayan ng iyong kalusugan sa 2014 ay depende sa iyong inner strength at kakayahan sa pagharap sa mga pangamba. Mag-focus sa positibo, iwasan ang negatibo, at magbuo ng masiglang feng shui energy sa inyong bahay. Ang statue ng Kwan Yin o Medicine Buddha ay maaaring maging excellent feng shui enhancement para sa Dragon sign sa 2014. Tiyakin din na maghanap ng iba’t ibang feng shui health tips and cures at pumili ng isa na iyong magugustuhan.

Lady Choi

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top