Thursday , October 1 2020
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Dugo sa dagat nangitim sa dream

Dugo sa dagat nangitim sa dream

To senor,

S pnaginip ko, ay my nkita dw ako dugo taz dw po ay naging itim ang kulay ng pligid ng dagat, wat kaya meaning ni2, plz intrprt mo i2 sir, slamat ng marmi,im virgo ng pandacan mnla, dnt post my cp #..

To Virgo,

Ang dugo sa panaginip ay nagre-represent ng life, love, and passion as well as disappointments. Kung sa bungang-tulog mo naman ay may sugat ka o dinudugo o kaya naman ay nauubusan ng dugo, ito ay nagsasaad na ikaw ay nakararanas ng exhaustion o kaya naman ay nakakaramdam ka na ikaw ay emotionally drained. Ito ay maaari rin namang nagsasaad ng bitter confrontations sa pagitan mo at ng iyong mga kaibigan bunsod ng mga isyung nakalipas na. Kung ikaw naman ay babae, may mga kababaihan na nakakapanaginip ng dugo bago o pagkatapos ng kanilang monthly period o habang sila ay buntis. Kung nanaginip ka naman na ikaw ay nagdo-donate ng dugo, ito ay may kaugnayan sa pagiging physically drained mo bunga ng sob-rang stress. Kung nakita naman sa bungang-tulog na dinudugo o may dugo sa ibang tao, ito ay may kaugnayan sa emosyon at pangangailangan ng tulong.

Ang itim ay simbolo ng unknown, unconscious, danger, mystery, darkness, death, mour-ning, hate o malice.

Ang dagat naman ay nagre-represent ng i-yong unconscious at ng iyong transition sa pagitan ng iyong unconscious at conscious. Ito ay kada-lasan ding may kaugnayan sa iyong emosyon.

Señor H.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top