Saturday , September 26 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Coco, ‘di gagawin ang Panday, heavy drama ang next project

Coco, ‘di gagawin ang Panday, heavy drama ang next project

SHELVED na pala ang TV project na You’re My Home na inanunsiyo noong Disyembre ng Dreamscape Entertainment na pagbibidahan sana nina Richard Gomez, Enchong Dee, Shaina Magdayao, Iza Calzado, at Dawn Zulueta.

Base sa tsika sa amin ng taga-Dreamscape, “we had nine (9) drafts of script, but still not working. Iza is in Bea (soap) and Dawn in ‘Dyesebel’.”

At sina Richard, Enchong, at Shaina ay may bagong project na hindi pa lang inire-reveal kung ano pero sure na raw.

Hmm, duda naman namin ay sa serye ni Coco Martin isasama ang mga nabanggit na isang malaking proyekto rin daw at heavy drama ayon sa aming kausap.

Kaya hindi totoo ang nasulat na ire-remake ni Coco ang Ang Panday, “not true, katatapos lang ni Coco ng ‘Juan de la Cruz’ na fantaserye rin tulad ng ‘Panday’, hindi ‘yan. Basta, it’s a heavy drama at sobrang malaking project ito,” sabi sa amin ng taga-Dreamscape.

Kita mo nga naman ateng Maricris, wala talagang kasiguraduhan ang isang proyekto hanggang hindi gumigiling ang kamera. Sabagay, minsan nga, nakapag-taping na rin, biglang tsugi rin.

Reggee Bonoan

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top