Wednesday , September 24 2025

Bumaril sa apo ni Willie Nep arestado

KASONG frustrated murder ang isinampa ng  awtoridad laban sa 30-anyos, isa sa apat na suspek sa pamamaril sa apo ng comedian/actor, Willie Nepomuceno sa Marikina City kahapon.

Kinilala ni P/C Inspector Eduardo Cayetano, CID chief, ang nadakip na si Mark Bersilla, 30, binata, walang hanapbuhay, nakatira sa #131 Dao St., Marikina Heights.

Dakong 5:00 ng hapon nang maaresto ang suspek sa kanyang bahay sa follow-up operation ng pulisya, kasama ang intelligence unit matapos matukoy sa Land Transportation Office ang may-ari ng getaway vehicle  na Ford Fiesta 4DR na nakapangalan kay Ronar V. Cruz, ng #22 East  Drive Brgy. Marikina Heights, na ngayon ay nagtatago.

Samantala, nasa stable na kondisyon na si Sean Gabriel Nepomuceno, makaraang maoperahan sa bituka sa Amang Rodriguez Medical Center.

AniSherwin Jerome Malit, isa sa mga kasama ng biktima, habang umo-order umano sila sa Angel’s Burger, Bayan-bayanan Ave., Concepcion,  may biglang pumaradang puting Ford Fiesta  at bumaba ang apat na suspek na pawang mga armado at biglang nagpaputok ng baril at tinamaan si Sean.

Positibong itinuro ni Malit, si Bersilla na isa sa apat na suspek sa pamamaril na ikinasugat din ni Frank Raven Jocson na tinamaan ng bala sa binti.  Target sa follow-up si Cruz at  dalawa pang kasamahan..

(ED MORENO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Taguig PNP Police

Motorsiklo ninakaw, tinangkang ibenta; Pulis-Taguig timbog sa mga kabaro

NASAKOTE ang isang pulis na nakatalaga sa Taguig CPS matapos tangkang ibenta ang ninakaw na …

Fire

Umabot sa 4th alarm
Hi-rise commercial residential building nasunog sa Binondo

TINUPOK ng sunog na umabot sa ikaapat na alarma ang isang commercial-residential building sa Tomas …

Duterte ICC

Sa The Hague, Netherlands
3 BILANG NG CRIMES AGAINST HUMANITY VS DIGONG INIHAIN NG ICC PROSECUTORS

HATAW News Team SINAMPAHAN ng mga prosecutor ng International Criminal Court (ICC) si dating Pangulong …

Marikina

Marikina ex-congresswoman may proyektong P180-M sa mga kompanya ng Discaya

NABATID na si dating Marikina City 2nd District Rep. Stella Quimbo ay nagpatupad ng apat …

Goitia PBBM Protest Rally

Para kay Goitia
Kaguluhan bigo, diwa ng Pinoy nagtagumpay

ANG kaguluhan na sumiklab sa Mendiola noong Setyembre 21 ay malinaw na nagpapakita, ayon kay …