Friday , September 18 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Bea, kabado sa pagbabalik serye

Bea, kabado sa pagbabalik serye

INANUNSIYO ng Dreamscape Entertaimment ang dalawang malaking programa nila para sa taong 2014 noong Huwebes, ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon at Dyesebel.

Sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon ay pagbibidahan ni Bea Alonzo kasama ang dalawang leading man na sina Albert Martinez at Paulo Avelino.

Ka -join din sa cast sina Ms Susan Roces, Iza Calzado, Michelle Vito, Anita Linda, Dina Bonnevie, at Tonton Gutierrez.

Masayang humarap si Bea sa announcement ng bago niyang soap drama at ang tanging sabi niya, “very, very happy siyempre kinakabahan.

“Pero siyempre, kung walang kaba, hindi masaya ang life, ‘di ba, kung lagi ka lang kalmado?” say ng aktres.

Pero kinontra ang sinabi ng dalaga dahil mukhang wala naman siyang kakaba-kaba base sa magandang aura niya noong presscon.

Mabilis na sumagot ang aktres, “hay naku, kung alam niyo lang.

“Ano ba? Oh, my God, kung alam niyo lang ‘yung nararamdaman ko.  Pumasok ka kaya sa kalooban ko!

“Sobra akong pressured. Hindi ako magiging ipokrita, pressured ako, kasi first time ko sila makakasama lahat.

“Halos lahat, si Tita Anita Linda lang at Tito Ron lang ang nakatrabaho ko na before.

“But siyempre, more than the pressure, mas ‘yung excitement ‘yung nangingibabaw.

“Kasi not every day na nabibigyan ka ng pagkakataon to work with these people.

“Alam mo ‘yun, na ikaw pa ‘yung halos anchor niyong show. So, as much as pressured ako, mas nangingibabaw ‘yung excitement,” paliwanag mabuti ni Bea.

Masaya ang dalaga dahil nakatrabaho na niya ang mga taong taga-Dreamscape Entertainment sa seryeng Kay Tagal Kang Hinintay noong 2002 kaya kilala na niya halos kung paano magtrabaho sila.

Ang huling serye ni Bea ay ang A Beautiful Affair kasama sina John Lloyd Cruz at John Estrada mula naman sa unit ni Direk Laurenti Dyogi.

Kaya naman natanong ang aktres kung bakit ngayon lang siya ulit gagawa ng serye sa pamumuno ni Deo T. Endrinal.

“Hindi naman, ngayon lang nagkataon, ngayon lang naging maluwag ‘yung schedule ko.

“Maluwag din sa kanila ang schedule nila.

“Siguro ito ‘yung right timing.

“Tinatawag ko na right timing, na para bang nandoon kami sa posisyon na masayang-masaya kaming lahat. So, good energy itong project na to,” say ng dalaga.

Aminado si Bea na hirap niyang gawin ang papel niya sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon, “alam niyo, hindi ko rin alam kung paano ipaliwanag, eh.

“Kasi ‘pag ipinaliwanag ko, sasabihin ko na sa inyo ang plot.

“But siguro, mag-stick na lang tayo roon.

“Isa siyang istorya ng dalawang babae na mayroon pang susulpot na pangatlo na which is going to be played by me.

“Hindi sila magkakapatid, para ‘tong ano riddle.

“Hulaan niyo, hindi sila magkakapatid, hindi sila magkakakilala, but somehow intertwined ‘yung destiny nila,” bahagyang kuwento ng aktres.

Sa madaling salita, triplets si Bea sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon na mapapanood na sa Abril 2014.

Reggee Bonoan

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top