Friday , September 25 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Anne, naiyak nang malamang gaganap na dyesebel (Open din makipagtrabaho kay Lloydie)

Anne, naiyak nang malamang gaganap na dyesebel (Open din makipagtrabaho kay Lloydie)

NAPAIYAK sa tuwa si Anne Curtis nang magkaroon ng media announcement ang Dreamscape Entertainment ng ABS-CBN 2 na siya ang Dyesebel ng 2014.

Kagagaling lang sa bakasyon sa Canada ni Anne at pagdating niya ay nalaman niyang siya ang napili sa classic na karakter ng ‘Pinas.

Hindi nga rin niya alam na may kumalat nang balita na makakasama niya sa isang project si John Lloyd Cruz. Bukas ang pintuan niya na makatambal si Lloydie.

“Okey naman kami, eh. Kaya tingnan natin kung what else 2014 has to bring. But so far, the best news is I’m going to be ‘Dyesebel’,” deklara ng magandang aktres.

Samantala, maraming pangalan ang lumutang gaya nina Kristine Hermosa, KC Concepcion, Kim Chiu, Jessy Mendiola, Bea Alonzo, Julia Montes, at Cristine Reyes pero si Anne ang wagi.

Napakalaking project nito at napakalaki ng casting ng Dyesebel dahil nandiyan din sina Ai Ai delas Alas, Zsa Zsa Padilla, Eula Valdez, Gabby Concepcion, Bangs Garcia, Neil Coleta, Young JV, Ogie Diaz, David Chua atbp..

Leading men niya ang ex-boyfriend na si Sam Milby at ang guwapong actor na si Gerald Anderson.

Malaki ang pasasalamat ni Anne sa Kapamilya Aetwork dahil naroon pa rin ang suporta sa kanya at hindi siya iniwan sa ere pagkatapos ng isang eskandalo. Sabi nga ni Anne, iniwan na niya noong 2013 ang negativity.

“2013 was a tough year, ‘di ba? It ended really tough. So, to come back this year where I know that mayroong something na magandang mangyayari,” sey niya at sabay napaiyak.

“It’s another dream come true po. Sobra lang akong speechless. Kasi, napakalaking project nito at para maihilera sa mga naging ‘Dyesebel’. I’m sure at one point, lahat kayo nag-interview sa akin at noong tinanong n’yo sa akin kung ano ba ang dream role ko, sinabi ko noon na ‘Dyesebel’. So, ito na! 2014, great way to start the year na makakuha po ng isang dream to come true,” sambit pa  ni Anne.

Sinabi ni Anne na pinanood niya ang mga Dyesebel na sina Vilma Santos, Charlene Gonzales, Alice Dixson, at maging si Marian Rivera. Ang napansin lang niya, paiba-iba ang buntot sa bawat version.

Ano naman ang pakiramdam niya na muling makakatrabaho ang ex-boyfriend na si Sam at may Gerald pa?

“Sobrang excited ako. Kami ni Sam, mayroon na talaga kaming folowing na alam kong matutuwa sila. Kasi finally, magbabalik-tambalan kami. Kay Gerald naman, it’s the first time. So, excited din akong makita kung anong puwede namin ibigay. Sa tingin ko, it will be a fun experience habang nagsu-shoot kami,” bulalas pa niya.

Tsuk!

Alden, kinaiinggitan dahil leading man na ng Primetime Queen

MARAMI talaga ang nagugulat na si Alden Richards ang leading man ni Marian Rivera sa bagong serye sa GMA7.

“Bini-build up talaga,” reaksiyon ng isang actor  na nakatsikahan namin.

Level up talaga si Alden bilang leading man at good karma para sa young actor na hindi matatawaran ang magandang PR sa press. Nalampasan na niya talaga ng milya-milya ang mga young actor na kasabayan niya.

Si Alden talaga ang nababagay na leading man dahil mas bata kay Marian ang kailangan sa role.

Sa kabila nito, ayaw paawat ang mga intrigera. Matuk mo nili-link si Alden sa isang lalaki dahil nakasama lang niya sa larawan. Pagkamukat-mukat mo, lider pala ‘yun ng fans club ng actor. Knowing Alden, sobrang mapagmahal at mapagbigay ng importansya sa mga tagahanga  niya.

I’m sure mas lalong kaiinggitan ngayon si Alden  dahil leading man na siya ng tinaguriang Primetime Queen.

Tsuk!

Home Sweetie Home panalo sa ratings!

PANALO sa ratings ang pilot episode ng Home Sweetie Home nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga.

Ang ganda ng review sa naturang sitcom. Marami ang naaliw sa tambalan ng dalawa sa telebisyon. Sana raw ay maging consistent ito.

Sa national ratings ng Kantar Media nanguna noong January 5 ang  Home Sweetie Home registered 19.9% .

Congrats!

Roldan Castro

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top