Wednesday , September 23 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Vendor itinumba sa harap ng asawa

Vendor itinumba sa harap ng asawa

PINAGBABARIL ng hindi na-kilalang mga suspek ang isang tindero sa harap ng kanyang asawa sa Tondo, Maynila kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Armando Magpayo, 45, may asawa, nakatira sa 931 Int. 15, San Cerelo St.

Sa inisyal na imbestigas-yon ng pulisya, dakong 9 ng gabi, kausap ng biktima ang asawang si Josephine Magpayo, nang pagbabarilin ng dalawang hindi nakilalang suspek na agad tumakas dala ang mga de kalibreng baril.

Sa ulat, agad dinala ni Josephine ang asawa sa Gat. Andres Bonifacio Memorial Medical Center pero idineklarang dead on arrival ni Dr. Lea Cruz.

Anim na bala ang tumama sa biktima, tatlo sa dibdib, tig-iisa sa kaliwang braso, noo at likuran.

Nagsasagawa ng follow-up operations ang pulisya sa naturang kaso.

(JAYSON B. BUAN)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top