Wednesday , September 30 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Sputnik nagwala (Dyowa hindi nakita)

Sputnik nagwala (Dyowa hindi nakita)

ISANG miyembro ng Sputnik ang nagwala nang hindi makita ang live-in partner sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa.

Kinilala ang suspek na si Geronimo Samaniego, alyas Jojo, 40, walang trabaho, naka-tira sa 2354 Legarda St.

Batay sa imbestigasyon ni PO3 Aaron Cortez, nasa kanyang bahay ang biktimang si Roger Andaya, 37, sa 2400 Legarda St. nang magwala ang suspek sa kalsada.

“Ilabas niyo ang asawa ko!” sigaw ni Samaniego. Tinutukoy na asawa ng suspek ay si Joan Cruz, 28-anyos.

Dahil dito, lumabas si Andaya para awatin si Samaniego pero agad din umalis ang suspek.

Nang magkita ang mag-live-in partner ay agad sinampal ni Samaniego si Cruz.

Binalikan ng suspek si Andaya  at sinugod ng saksak gayonman nakailag ang biktima.

Mabilis nakapag-report ang biktima sa pulisya kaya nadakip agad si Samaniego.

(JAYSON B. BUAN)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top