Saturday , September 26 2020
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / MPD PS-10 Kernel Opring ipinangongolektong na sa Pandacan (Ang pagbabalik ng kolektong na si Tata Tandang Bisaya)

MPD PS-10 Kernel Opring ipinangongolektong na sa Pandacan (Ang pagbabalik ng kolektong na si Tata Tandang Bisaya)

00 Bulabugin JSY

DALAWANG linggo pa lamang sa kanyang puwesto bilang MPD PS-10 (Pandacan Station) commander si P/Supt. Alfredo Opriasa pero agad UMUGONG ang KOLEK-TONG activities ng ilang  tulis ‘este’ PULIS sa AOR ng PANDACAN.

Base sa reklamo na ipinarating sa atin, isang PO1 na close-in bata-batuta umano ni Kernel Opriasa ang katiwaldas ‘este’ katiwala sa mga ‘PARATING’  mula sa mga ilegalista sa Pandacan.

Alama mo ba Kernel Opriasa na ipinang-iikot na ng ilang kamoteng lespu mo ang estasyon mo?

Ang araw ng ENGRESO ng mga INTELIHENSYA galing sa mga gambling operator ay araw ng MIYERKOLES.

Isang MATANDA at BISAYANG LESPU ang   nagpapakilalang tagapamahala ng TARA y TANGGA na kinukobra sa mga 1602 operator na sina EDNA D. ROSARIO/TATA FUCKNOY at si BOY ABANG.

Dati na raw HINAWAKAN ni TATA BISAYA sa pangongolektong ang Pandacan police station noong aktibo pa siya sa serbisyo.

Dati rin bagman ng Manila City Hall MASA si TATA BISAYA pero sinibak daw dahil nabisto ang pambubukol na ginagawa umano kay Major Irinco!?

PNP-NCRPO Director Carmelo Valmoria, ano ba ang dapat gawin sa isang MATANDA at RETIRADONG PULIS na UTAK ng KOLEKTONG sa PNP?

Totoo ba Kernel Opriasa na ang dating QUOTA ng MPD – PANDACAN STATION ay nasa P60k-100k lamang kada linggo pero ngayon ay naka-JACK-UP na sa P100k-150k?

Ganyan daw kasi kabagsik si TATA TANDANG BISAYA sa mga TABAKOHAN at PAGKAKA-KWARTAHAN sa PANDACAN, MAYNILA.

FYI Kernel Opriasa, sabi ng BULABOG BOYS sa area mo ay paka-INGAT ka at NAG-IIYAKAN na ang gambling lords sa TAAS ng INIATANG na TANGGA sa kanila ni TATA TANDANG BISAYA na sinasabing UTOS mo raw!?

Kernel Opriasa, huwag kang makalimot magbaon ng BIOGESIC at magdala ng HELMET para hindi ka masaktan sa mga BUKOL na aabutin mo kay Tandang Bisaya.

Baka bukas – makalawa ay MAIINDULTO ka at baka outside NCR pa ang abutin mo!?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top