Saturday , September 26 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Bigtime carnapper timbog sa hot car (Remnant ng Dominguez group)

Bigtime carnapper timbog sa hot car (Remnant ng Dominguez group)

CAMP OLIVAS, Pampanga – Nasakote ng mga awtoridad ang isang big time carnapper na kabilang sa remnants ng Dominguez group, makaraang maispatan ang minamanehong “hot car” kamakalawa ng hapon sa Bocaue, Bulacan.

Kasalukuyang isinasailalim sa tactical interrogation ang suspek na si Pablito Gumasing y Gonzales, nasa hustong gulang, habang nagpapagaling ng kanyang sugat sanhi ng tama ng bala sa katawan nang manlaban sa mga awtoridad.

Ayon sa report ng pulisya, dakong hapon nang maispatan ng tropa ng Marilao PNP at Valenzuela PNP ang suspek sa kahabaan ng Brgy. Lolomboy Rd. habang dala ang hot car na Hyundai Getz.

Ngunit humarurot ang suspek at pinaputukan ang bumubuntot na kapulisan. Sapol ang suspek nang gantihan ng putok ng mga awtoridad kaya nawalan ng kontrol sa minamanehong sasakyan na nagresulta ng kanyang pagkaaresto.

(RAUL SUSCANO)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top