Saturday , September 26 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kim — We don’t owe you any of our personal lives (Xian, naloka raw sa tinuran ng reporter…)

Kim — We don’t owe you any of our personal lives (Xian, naloka raw sa tinuran ng reporter…)

MARAMI ang nagulat kay Kim Chiu sa simpleng pananaray niyang sagot sa tanong kung ano na ang estado ng relasyon nila ngayon ng leading man niyang si Xian Lim sa Bride For Rent na prodyus ng Star Cinema na idinirehe naman ni Mae Cruz.

Sa tuwing may presscon kasi sina Kim at Xian ay ito parati ang tinatanong sa kanila dahil wala ka naman puwedeng itanong kundi iyon lang, ‘di ba ateng Maricris?

Ayon kay Kim, ”we don’t owe you any of our personal lives, siguro. Kasi, you can think naman what you think, as long as you’re happy when you watch us on TV.

“Nakikita niyo kung paano kami, kung paano kami ma-in love. ‘Yun na ‘yun.

“Lahat naman tayo, mayroon tayong mga hindi dapat i-share or dapat i-share.

“Pero, it’s our choice (na hindi i-share), and I hope you guys respect it,” diretsong sabi ni Kim.

Naloka ang mga taga-media kung bakit ganoon ang sagot ni Kim? Kulang ba siya sa tulog kaya nairita kaagad?

At dahil sa ginawa niya ay nag-walk out si veteran columnist, Aster Amoyo na nagtanong ng maayos kay Kim tapos sinagot siya ng hindi maganda.

Baka naman kasi hindi pa rin nakaka-move on si Kim kaya hindi pa rin siya komportableng i-share ang anumang bagay na mayroon siya ngayon?

Inamin naman ng aktres na masyado na siyang maingat ngayon dahil sa nangyari noon sa kanya at dahil si Xian lang ang maituturing niyang kaibigan at malapit sa kanya kaya ganoon ang relasyon nila na akala ng lahat ay mag-on na.

At inamin nga na may natutuhan siyang aral sa mga nangyari sa kanya.

”Oo naman, lahat naman tayo may natutuhan.

“Tulad dito sa movie, lahat ng tao, may kanya-kanyang role sa lahat ng taong nakikilala natin.

“Ako, may role ako kay Direk (Mae Cruz) sa buhay niya. May role ako kay Xian sa buhay niya.

“May nakikilala tayong tao. May natutuhan tayong lesson.

“Hindi siya basta tao lang na dadaan lang sa buhay mo na wala kang natutuhan it’s either good or bad,” sabi pa.

At hindi naman nakapagpigil ang katotong Roel Villacorta kay Kim kaya sinabihan niya ang dalaga ng, ”tutal, ayaw niyong umamin, iisipin na lang namin na isang palabas lang ‘to.

“To tell you frankly, na-offend ako. Nakisimpatiya ako noong iwanan ka ni Gerald. Nakiiyak ako sa ‘yo, Kim.

“Ano ‘to, pampelikula lang ba ang sweetness na ‘yan? Kasi, daig niyo pa ang totoong relasyon. Parang niloloko niyo lang kami?”

Nagulat si Kim at teary-eyed na sumagot ng, ”ay, aabot na po ba tayo sa ganoon? At saka, sorry po, ‘yung term ko, sorry talaga.”

Dahil sa pangyayari ay nawalan na ng gana ang karamihan sa entertainment press kaya hindi na sila nag-one-on-one kay Kim pagkatapos ng Q and A at mas ginusto pang manigarilyo na lang sa labas ng Dolphy Theater.

“Paano ka gaganahang mag-interbyu kung ganyan ang mga sagot ni Kim? Hindi ba ‘yan na-brief ng handler niya o hindi ba niya napag-aralam ang mga isasagot niya?”ito ang karamihang sabi ng mga katoto.

In fairness Kim, well-loved ka ng karamihan sa entertainment media dahil nakuha mo ang simpatiya sa panahong may away kayo ni Maja Salvador, pero anong nangyari at bigla kang nagtataray ng pasimple?

Pakiwari ng lahat ay nahawa si Kim sa kanegahan ng leading man niyang si Xian na hindi rin maayos sumagot sa press tulad ng ginawa niya kay katotong Jobert Sucaldito kamakailan.

Samantala, nalaman ng TV executive ang sagot ni Kim at nagsabing, ”kaloka si Kim, nahawa talaga kay Xian.”

Samantala, habang naglalakad kami palabas sa hallway ng old building ng ABS-CBN ay narinig naming sinabi ni Xian sa mga sumalubong sa kanila ni Kim, ”nakakaloka, nagtaray pa ‘yung isang reporter (Roel Villacorta), grabe!”

Napailing na lang kami kay Xian na hindi dapat ganito ang reaksiyon mo dahil, kaming mga reporter ay ginagawa lang namin ang trabaho namin dahil inimbitahan kami sa presscon ng pelikula ninyo na kailangan ng publicity.

Reggee Bonoan

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top