Tuesday , September 29 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Ex-Miss Venezuela, mister utas sa holdaper

Ex-Miss Venezuela, mister utas sa holdaper

CARACAS – Patay ang dating Miss Venezuela at ang kanyang mister nang pumalag sa mga holdaper sa South American nation.

Si Monica Spear, 29, soap opera actress, at mister niyang si Henry Berry, 39, ay pinagbabaril ng mga holdaper sa highway sa pagitan ng Puerto Cabello at Valencia sa central Venezuela.

Ang 2004 Miss Venezuela winner ay naninirahan sa United States at nagbakasyon lamang sa Venezuela. Sugatan naman ang 5-anyos anak na babae ng mag-asawa, na tinamaan ng bala sa hita.

Inihayag ni President Nicolas Maduro, ayon sa mga imbestigador, pumutok ang gulong ng kotse ng mag-asawa dahil sa bagay na nakalatag sa kalsada, hinihinalang inilagay ng mga holdaper upang tumigil ang dumaraang mga sasakyan.

Sinabi ni Maduro, may dumating na tow truck upang tumulong, ngunit biglang sumulpot ang mga holdaper at hinabol ang crew.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top