Thursday , October 29 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Dahil sa controversial quotation, Kim na-nega (Patunay din na ‘di pa rin daw nakamo-move on kay Gerald)

Dahil sa controversial quotation, Kim na-nega (Patunay din na ‘di pa rin daw nakamo-move on kay Gerald)

DAPAT magpasalamat si Anne Curtis kay Kim Chiu. Natabunan na ang kontrobersiyal na quotation ni Anne na, ”I can buy you, your friends, and this club” ngayong 2014. Pinag-uusapan ngayon ng movie press at social media ang pahayag ni Kim na, ”We don’t owe you any of our personal lives” sa presscon ng latest movie nila ni Xian Lim na Bride For Rent. Directed by Mae Czarina Cruz at showing sa January 15.

Naging nega ang dating ni Kim sa ilang invited press dahil sa statement niyang ito na balitang nag-walk-out ang reporter na nagtanong.

Simple lang naman ang question, ”We want an honest answer. Kasi, nauumay na rin kami minsan. Palagi kaming nabibitin.May tinatanong kami, kung ano-anong pasikot-sikot ang isinasagot sa amin. We want an honest answer: Nasaang level na kayo ng inyong relasyon at kayo na ba, kung saka-sakali?We will respect kung ano ang sagot niyo.”

Puwede namang itawid ni Kim ang  sagot sa tanong na ‘yun na hindi siya nakao-offend pero nag-iwan tuloy ng hindi magandang impresyon sa kanya.

May anghang talaga ‘yung sagot ni Kim. Kahit sino ang makarinig, offending, lalo na sa mga thinking press. Hindi lang naman ‘yan na basta isusubo sa ‘yo, kakainin at lulunukin mo. Ang sagot lang naman diyan ay yes or no at hindi niya kailangang magbigay ng anumang explanation.

At base sa mga sagot ni Kim sa presscon at obserbasyon ng press, parang hindi pa siya totally nakamo-move on sa rati niyang boyfriend na si Gerald Anderson. Nandoon pa rin ‘yung sinasabi niya na natatakot siyang makipagkaibigan (dahil ba sa karanasan niya kay Maja Salvador) at si Xian lang ‘yung matiyaga na nandiyan sa tabi niya?

Kinagabihan after ng presscon mababasa sa Twitter account ni Kim: ”cant sleep. . . . :(“.  Mukhang may nagpapa-bother sa kanya. May kinalaman kaya sa kanya sa pagtalak ng isang press at hindi nakatiis na sabihing na-offend sa sagot niya?

Kinaumagahan, sa Instagram Account ni Kim na (chinitaprincess) mababasa ang,”people will hate you, rate you, shake you and break you. but how strong you stand is what makes you.” good morning!!!:) today is another day!:) God bless everyone!:)#goodvibes #spreadthelove #thankful #grateful”

Kinuha rin ang reaksiyon ni Kim na posibleng ma-misinterpret siya sa deklarasyon niyang ‘we don’t owe you…’

“Sabi ko naman, utang ko sa inyong lahat kung nasaan ako. Simulan natin sa ‘Pinoy Big Brother’, hindi naman ako mananalo kung hindi dahil sa boto ng mga tao.”

Nang may tumalak sa kanyang reporter ay nag-peace sign si Kim. Nagpakumbaba sa pagsasabi ng, ”Sorry po, ‘yung term ko… sorry talaga.”

‘Yun na!

Never nag-share ng happy moments?!

MAY nagsabi rin kay Kim na fair bang hindi niya i-share sa publiko ang masasayang parte ng buhay niya dahil naisi-share niya ang mga malulungkot na nangyari sa buhay niya. Isa na rito noong mag-break sila ni Gerald Anderson pero never silang umamin noong sila pa.

“Hindi naman po lahat ng malulungkot shinare ko. Siyempre, may masasaya rin. ‘Yung mataas ang rating ng soap, blockbuster, nakakuha ako ng Best Actress award… marami rin naman po akong shinare,” sagot niya.

Nag-react ang mga press people na ‘press reelase’ lang ‘yung mga ‘yun.

“Hindi naman po ‘yun press release. Siyempre, utang ko rin naman po ang success ko sa mga tao. Na kayo, utang ko rin sa inyo kung ano ang narating ko ngayon. Siyempre, sa mga tao rin. At saka, ‘yung buhay ko, simula nang lumabas ako sa TV, open book na siya. Kasi, nagsimula ako sa ‘Pinoy Big Brother,’ alam nila kung saan ako nanggaling. And I also have respect for myself. May mga bagay na gusto akong i-share sa inyo at may mga bagay na sana, akin lang. Kasi, minsan lang ‘yun,” deklara pa niya.

Tsuk!

Roldan Castro

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top