Tuesday , September 29 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Boy Abunda, may ‘langit’ na offer din sa TV5 (Tulad ng ‘langit’na offer kay Kris)

Boy Abunda, may ‘langit’ na offer din sa TV5 (Tulad ng ‘langit’na offer kay Kris)

KAAGAD NAMAn daw itinanggi ni TV5 President Noel Lorenzana na may offer si Kris Aquino ng executive position sa TV5.

Base sa tsika ng isang katoto na nagtanong kay Mr. Lorenzana ay wala raw siyang nalalaman na may ganoong offer si Mr. Manny V. Pangilinan kay Kris dahil kung mayroon, eh, ‘di sana alam niya.

Inisip na lang ng aming katoto na baka hindi na umabot sa level ni Mr. Lorenzana ang meeting nina MVP at Kris kaya wala siyang alam.

Anyway, pinatotohanan naman ito ng aming source na totoong may offer si MVP sa TV host.

“Langit ang offer ni MVP kay Kris, Reggee at hindi lang kami nag-meeting para sa offer, nagkita kami bilang mga magkakaibigan, dati na naman naming ginagawa iyon bilang magkakaibigan. ‘Pag nagkukuwentuhan kaming tatlo, hindi business, more on personal at nata-tackle lang ang business.

“Kaya lito si Kris sa offer dahil ‘langit’ nga, pero she has to decide at sa pakiwari ko after the meeting with MVP, Kris will remain a Kapamilya, I don’t think, she’s ready do leave ABS-CBN.  Of course, we love MVP, pero hindi pa time.”

Tinanong namin ang aming source kung puwedeng isulat ang usapan namin, ”huwag na muna, hayaan mong si Kris ang magsabi kung magre-renew na siya, huwag mo siyang pangunahan, but all I know, she will not leave ABS-CBN.”

Diretsong tanong namin sa aming source kung nagpataas lang ng presyo si Kris sa Dos?

“Puwedeng sabihin iyon ng lahat, puwedeng isipin iyon ng lahat, pero at the end of the day, loyalty pa rin ang mananaig and I believe Kris is very loyal to ABS. Kaibigan namin si MVP, wala kang masasabi sa taong ‘yun, sobrang bait at matulungin,”katwiran sa amin.

At nalaman din namin na pati ang TV host na si Boy Abunda ay may offer ding ‘langit’ kay MVP pero kaagad nagsabi si kuya Boy na hindi niya iiwan ang ABS-CBN na posibleng dahilan kaya hindi na rin kinagat ni Kris ang offer ng TV5 Chairman.

Ano nga naman ang gagawin ni Kris sa TV5 kung hindi niya maisasama ang tink tank niyang sina Boy Abunda at Deo T. Endrinal na pareho niyang consultant at manager?

May mataas na posisyon si Deo sa ABS-CBN ang producer ng maraming shows at halos lahat ay primetime kaya maiisip ba niyang iwan ang nasabing network?

Maging si Boy ay kaya bang iwan ang mga programa niyang nagri-rate bukod pa sa maganda rin ang trato sa kanya ng Kapamilya Network?

Sabay sabi ng aming source, ”remember, Reggee, si Sharon Cuneta, dinala rin niya ang mga gusto niyang staff, pero anong nangyari? Magulo sa TV5, ayusin muna nila ang estasyon nila.

“Hindi naman artista ang problema, ang sistema nila, kulang ang TV5 ng magagaling na tao para ayusin ang mga programa nila at higit sa lahat, hindi sila sumusunod sa nakatataas sa kanila, may kanya-kanya silang paksyon,” diretsong sabi sa amin ng aming source.

Reggee Bonoan

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top