Sunday , September 27 2020
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Bagong Toro reporter ginagamit ang ALAM at Hataw sa pangongotong

Bagong Toro reporter ginagamit ang ALAM at Hataw sa pangongotong

00 Bulabugin JSY

010914 peke reporterMAG-INGAT sa taong ito (kaliwa) nagpakilalang si Edwin Sarmiento at Calabarzon reporter ng Bagong Toro pero ang lakad ay mangikil sa mga barangay chairman. Ginamit ni Sarmiento ang pekeng Alab ng Mamamahayag (ALAM) identification card na may nakalagay na party-list (gitna). Ang original ay ID ni Bilasano (kanan) na walang nakasulat na party-list. (BRIAN BILASANO)

GUSTO ko pong magbigay ng BABALA sa lahat ng mga opisyal ng barangay at pulisya sa Maynila at iba pang lugar sa Metro Manila, sa Northern Luzon, Central Luzon at sa Southern Tagalog. Pati na rin po ‘yung mga taga-Bicol.  Mag-INGAT po kayo sa taong nagpapakilala na siya raw ay si EDWIN SARMIENTO, residente umano siya sa 266 Vanda St., Atdraman Vill. 2, Real, Calamba City, Laguna at CALABARZON reporter ng Bagong Toro na kinompirma ng editor nilang si Even Demata.

Bukod sa reporter umano siya, nagpapakilala rin umanong PASTOR si Sarmiento.

Si Sarmiento ay inireklamo ni Barangay Chairman  Remale Serame ng Brgy. 267, Sta. Cruz, Maynila dahil sa ikalawang pagkakataon ay nais na naman siyang kikilan.

Nang una umano siyang puntahan ni Sarmiento ay nahingan siya ng P3,500 at 10 kilong bigas.

Pero sa ikalawang pagkakataon ay hindi na pumayag si Serame na mabiktima pa siya ni Sarmiento kaya nagreklamo na siya sa pulisya.

Nang dalhin sa presinto si Sarmiento, aba nakagugulat talaga ang dami ng MEDIA ID na nakasabit sa kanyang dibdib.

Nakitaan siya ng identidication card na siya umano ay member ng Alab ng Mamamahayag (ALAM) pero nang i-VERIFY sa records ng ALAM ay hindi siya miyembro.

Dalawang ID pa ng ALAM ang gamit ng UNGAS, isang malaki at isang maliit.

Mayroon din nakuhang iba pang ID gaya ng MEDIA Kabayani, Journal, Remate, Bagong Toro, Parish Pastoral ID at ‘yung dalawang pekeng ID nga ng ALAM.

FYI po, isang ID lang po ang iniisyu ng ALAM, at hindi po kami nagpapalabas ng malalaking ID ng Media. Uulitin ko po, HINDI NAMIN MIYEMBRO si SARMIENTO.

Bukod sa mga ID, mayroon pang dalang mga advertisement contract ng HATAW at iba pang diyaryo si Sarmiento.

Inililinaw ko po sa lahat na matapos kong matanggap ang ulat ay agad kong ipina-verify ang status ng taong ‘yan.

Klaro po, walang kaugnayan sa HATAW lalo na sa ALAM ‘yang tarantadong Edwin Sarmiento na ‘yan.

Duda pa nga ako kung tunay niyang pangalan ‘yang ginagamit niya.

Inilabas po namin ngayon ang retrato ng BOGUS na ‘yan sa front page ng HATAW para makilala ninyo at huwag padala sa kanyang mga panloloko.

Inaarbor po ang taong ‘yan ng isang kasama sa trabaho, pero pasensiya na, pinag-aaralan na po ng abogado namin kung anong kaso ang pwedeng isampa sa walanghiyang ‘yan.

Inuulit ko po, hindi kami nagkokonsinti ng mga maling gawain.

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top