Wednesday , September 23 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Tigdas titindi sa summer — DoH

Tigdas titindi sa summer — DoH

LALO pang titindi ang outbreak ng tigdas sa bansa hanggang summer.

Ito ang naging pahayag ni Health Sec. Enrique Ona, sa kabila ng kanilang massive vaccination drive para sa inisyal na 12 milyon kabataan.

Sinasabi sa pag-aaral na ang peak ng measles ay sa pagpasok ng tag-init, na mas mabilis ang development ng nasabing virus.

Dahil dito, nagpulong na ang city health officers sa Metro Manila para agad masimulan ang maramihang pagbabakuna.

Sa latest information ng DoH, umabot na sa 1,724 ang confirmed cases sa buong bansa, at 744 dito ay mula sa Metro Manila.

Maging ang World Health Organization (WHO) ay nakaantabay din sa sitwasyon ng measles outbreak sa Filipinas, matapos makahawa ang isang Filipino sa ilang mananayaw ng New Zealand at Australia.

(LEONARD BASILIO)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top