Friday , September 18 2020
Breaking News
You are here: Home / News / P43-M Mega Lotto Jackpot muntik ‘di makobra (Natakot sa seguridad)

P43-M Mega Lotto Jackpot muntik ‘di makobra (Natakot sa seguridad)

DAHIL sa takot sa kanyang seguridad, muntik hindi makobra ng 50-anyos lalaki ang mahigit P43-milyong jackpot prize ng 6/45 Mega Lotto, na kanyang napanalunan noong nakalipas na Disyembre 27.

Taimtim nanalangin sa Diyos upang magkaroon ng lakas ng loob na lumuwas ng Maynila, mula Dumaguete City, ang nanalo ng jackpot prize para kobrahin sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Pasay City, ang P43,195,580.00 premyo mula sa tumamang kombinasyong numero na 26-27-15-21-29-45.

Ang pangamba ng nagwagi ay napawi nang seguruhin sa kanya ni PCSO General Manager Jose Ferdinand Rojas II, ang kanyang kaligtasan.

(JAJA GARCIA)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top