Wednesday , September 24 2025

Buntis, 8 pa kinagat ng asong ulol

010814_FRONT

CEBU CITY – Inoobserbahan ang kondisyon ng siyam katao matapos silang makagat ng asong ulol na nagpagala-gala lang sa kalsada sa lungsod ng Cebu.

Ayon kay Brgy. Malubog Councilor Boy Bulacano, nakababahala ang sitwasyon ng mga biktima matapos lumabas sa eksaminasyon sa aso na positibo sa rabies.

Dagdag ng konsehal, tinurukan na ng anti-rabies ang mga biktima.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Bernadith Inocian, 26, buntis; Norma Inocian, 48; Niño Waga, 4; Estrella Baclohan, 52; Irene Belenia, 33; Ashley Marie Morsua, 4; Ryan Arcaya, 16; Edmund Abada, 22; Melvin Arallo, 4.

Inaalam pa kung ano ang posibleng epekto ng insidente sa ipinagbubuntis ni Inocian.

Napag-alaman na ipinag-utos agad ng Department of Agriculture ang pagputol sa ulo ng nasabing asong ulol upang malaman kung mayroon itong rabies.

Samantala, inako ng Department of Health Region-7 ang mga gamot na kakailanganin ng mga biktima.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Taguig PNP Police

Motorsiklo ninakaw, tinangkang ibenta; Pulis-Taguig timbog sa mga kabaro

NASAKOTE ang isang pulis na nakatalaga sa Taguig CPS matapos tangkang ibenta ang ninakaw na …

Fire

Umabot sa 4th alarm
Hi-rise commercial residential building nasunog sa Binondo

TINUPOK ng sunog na umabot sa ikaapat na alarma ang isang commercial-residential building sa Tomas …

Duterte ICC

Sa The Hague, Netherlands
3 BILANG NG CRIMES AGAINST HUMANITY VS DIGONG INIHAIN NG ICC PROSECUTORS

HATAW News Team SINAMPAHAN ng mga prosecutor ng International Criminal Court (ICC) si dating Pangulong …

Marikina

Marikina ex-congresswoman may proyektong P180-M sa mga kompanya ng Discaya

NABATID na si dating Marikina City 2nd District Rep. Stella Quimbo ay nagpatupad ng apat …

Goitia PBBM Protest Rally

Para kay Goitia
Kaguluhan bigo, diwa ng Pinoy nagtagumpay

ANG kaguluhan na sumiklab sa Mendiola noong Setyembre 21 ay malinaw na nagpapakita, ayon kay …