Saturday , September 26 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Bading na politician iniyakan ang paghihiwalay nila ng sikat na hunk actor (Taon ang binilang ng relasyon )

Bading na politician iniyakan ang paghihiwalay nila ng sikat na hunk actor (Taon ang binilang ng relasyon )

CONFIRMED na pumapatol nga sa bading ang sikat na hunk actor na napapanood gabi-gabi sa isang teleserye sa malaking TV network. Kinompirma mismo ng friend ng aming bossing na taon ang binilang ng relasyon ng actor sa isang bading na politician from

Southern Luzon. Actually two years ago nang tapos ang relasyon ng dalawa at iniyakan raw to the max ni gay politician ang pakikipaghiwalay sa kanya ng dyowang actor. Naaapektohan na kasing masyado ang career noon ni actor dahil sa tsismis na pa-booking siya. So dahil mahal niya ang kanyang career hayun tumigil siya sa pagpatol sa mga bading. Na ikinatu-turn off rin noon ng kanyang mga nagiging girlfriend. Yes, pahinga na muna sa pamamakla si nasabing hunky actor kaya pansinin n’yo tigil na rin ang tsismis sa kanya. Si bading na government official naman may bago ng Papa, isa rin actor na kalilipat lang ng estasyon.

Ang elya naman gyud!

MAYA (JODI STA. MARIA) KOMPIRMADONG BUNTIS NA KAY SER CHIEF (RICHARD YAP) SA BE CAREFUL WITH MY HEART

Pagkatapos bumenta ang Fairytale Wedding Magazine at Wedding Soundtrack Album nina Maya dela Rosa-Lim (Jodi Sta. Maria) at Ser Chief (Richard Yap).

Heto at bubuksan na naman ang bagong chapter sa buhay ng mag-asawa sa kilig-serye nilang “Be Careful with My Heart” na hanggang ngayon ay nanatili pa rin No.1 Daytime Show sa Pilipinas. Yes, masaya na ang

buong paligid sa pamilya Lim dahil kompirmadong buntis si Maya sa first baby nila ni Richard. At may naisip nang ipapangalan si Maya sa baby nila. Kapag girl ay Julia at kapag boy naman ay Julio. Sarah naman ang gusto ni Ser Chief kapag babae at Zedee naman kapag lalaki na hango sa sikat na cartoon character. Pero may iba pa silang mga iniisip na name kaya hindi pa final kung ano ang ipapangalan nila sa bata? Ops! Sinisikreto muna ng mag-asawa ang pagdadalantao ni Maya at gusto nilang ipaalam ito sa buong pamilya nang sabay-sabay. S’yempre hindi lang sila ang excited kundi maging ang lahat ng kanilang televiewers nationwide ganoon rin ang TFC subscribers. Atat nang makita ang pagiging mother ni Maya at baby nila ni Ser

Chief. Tiyak na magiging popular agad-agad ang baby na gaganap sa serye. Samantala, sa mga hindi pa nakakukuha ng copy ng collectors item na wedding magazine at wedding sountrack album ng mag-asawa. Available pa rin ito sa market. Mapapanood ang

Be Careful with My Heart from Mondays to Fridays after Minute To Win It sa Kapamilya network.

PANG-OOKRAY NG CHAKA AT MAKATANG SI LOURD DE VEYRA KAY BOSSING VIC SOTTO WALANG EPEKTO SA SUCCESS  NG MY LITTLE BOSSINGS

As of press time, hindi pa rin nagbabago ang ranking sa Top 3 blockbuster movies ng Metro Manila Film Festival. Nangunguna pa rin ang “My Little Bossings” nina Ryzza Mae Dizon, Bimby at Bossing Vic Sotto na sinusundan ng “Girl Boy Bakla Tomboy” ni Vice Ganda at “Pagpag, Siyam na Buhay” ng Teen King and Queen of Philippine Showbiz na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Sa dami ng fans ni Bossing at Aleng Maliit Ryzza Mae sa Eat Bulaga ay walang epekto ‘yung ginawang pang-ookray ng chaka at makatang TV host sa TV 5 na si Lourd De Veyra sa nasabing pelikula na pinangaralan niya si Bossing na gumawa ng matinong pelikula. Ang kafal! IKaw ang gumawa ng matinong show sa TV dahil ang mga programa mo flop sa rating dahil luma ang konsepto at very boring. Saka sino ang magkakainteres manonood sa iyo Mr. De Veyra e, para kang tumutula kapag nagho-host. Tama na ang pagiging makata mo at ‘di na uso ‘yan.

I’m telling the truth, nothing but the truth lang gyud!

Peter Ledesma

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top