Wednesday , September 30 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Aiai, ibinigay na ang suporta kay Binay! (Sa 2016 presidential election)

Aiai, ibinigay na ang suporta kay Binay! (Sa 2016 presidential election)

THE election season come 2016, this early, sees a fragmented friendship among its contractual talents.

Kilalang mag-BFF ang troika nina Kris Aquino, Vice Ganda, at Ai Ai de las Alas, after all, their MMFF 2012 entry Sisterakas was a validation na close sila sa isa’t isa kuno.

However, politically, may kanya-kanya silang minamanok like a poultry farm tended by different workers. ‘Yun nga lang, maliban kay Kris who’s two-faced  and caught between DILG Secretary Mar Roxas na kaalyado ng kanyang kuyang Presidente at ni Vice President Jojo Binay, na parehong matunog na maglalaban sa presidential race.

With Kris, expect some political confusion in her mind na taliwas sa idinidikta ng kanyang puso.

Sa kaso ni Vice, her (her talaga?!) brush with then-senatoriable Nancy Binay spoke about her sheer kawalan ng bilib towards the VP’s daughter for some “complex” reason, or complexion? Whichever, tiyak na walang aasahang boto si Binay sa pagka-Presidente mula sa baklang komedyante!

Of the three showbiz BFFs, hindi pa man ay nagdeklara na si Ai Ai na si Binay ang kanyang Presidente sa 2016, apparently moved by the latter’s gesture ng pakikiramay nito nang pumanaw ang ina ng komedyana.

Kung sabagay, ang tunay na pagkakaibigan should transcend whatever issue, even political beliefs. Eh, mukhang sa tatlong hitad, it’s only Ai Ai who speaks her mind na galing sa puso at walang halo ni bahid ng kaplastikan!

Heart, ‘engaged’ na since 19?

NAKA-ATTRACT ng attention ang prominenteng singsing sa daliri ni Heart Evangelista as shown on social media sites believed to be an engagement ring from her beau Senator Chiz Escudero.

Hindi nga naman imposibleng napag-uusapan na ng magnobyo ang kanilang pag-iisandibdib in the near future. After all, there are no legal impediments to their wedding plans.

Pero mismong ang TV host-actress na rin ang nagsabi sa Startalk na hindi bigay ni Chiz ang singsing na ‘yon. Truth is, sa edad na 19-anyos daw ay mayroon na siya niyon, such revelation na ikinagulat ng co-host niyang si Lolit Solis.

“You mean, Heart, 19 years old ka pa lang noon, eh, mayroon ka nang ganyan kalaking bato?” shocked na buwelta ni ‘Nay Lolit. Kaya naman agad itong nanawagan sa nobyo ni Heart, “Calling Senator Chiz, dapat triple pa rito (pointing to the ring that Heart removed from her finger) ang engagement ring na ibibigay mo kay Heart!”

But Heart is no material girl. Sa katunayan, things that make her happy don’t necessarily have to be costly. “Like noong Christmas, he gave me cellphone, isang bag na black na hindi naman branded and a lot of abubot,” ani Heart.

Samantala, while Heart spent the holidays with joyous moments with Chiz, to this day ay hindi pa rin daw ganap silang nagkakaayos ng kanyang mga magulang. “It (the setup) didn’t change. It’s still a difficult situation for all of us,” she confessed.

Para sa amin, the quiet attack of Heart’s family to an internal crisis (save for the presscons na ipinatawag noon ng kanyang mga magulang) is one of civility. Malayong-malayo ito sa kung paanong lalong ginagawang cheap ng pamilya Barretto ang iringnan ng mga miyembro nito, to think that like the Evangelista household ay edukado rin naman ang angkang pinagmulan ng magkakapatid na Gretchen at Claudine.

Ronnie Carrasco III

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top