Wednesday , December 2 2020
Breaking News
You are here: Home / Sports / 2 pang jockeys iimbestigahan ng PHILRACOM

2 pang jockeys iimbestigahan ng PHILRACOM

Dalawa pang hinete ang ipinatawag ng Philippine Racing Commission (Philracom) dahil sa pagiging unprofessional matapos abandonahin ang kanilang mga sakay noong Disyembre 29, 2013.

Bukod kina Jockey Jonathan B. Hernandez, at Jeff Zarate, kabilang sa pinatawag sina Kevin Abobo at Fernando M. Raquel Jr. na pawang mga class A jockey.

Ayon kay Commissioner Jesus B. Cantos, ipinatawag niya ang mga hinete upang paalalahanan na sila ay professional jockey na binabayaran ng mga horse owners para sakyan ang kabayo at umaasa sa kanila na magbibigay ng panalo sa mga kabayong isinali sa regular na karera.

Tiniyak ng Philracom na may mananagot sa ginawang pag-abandona sa kanilang sakay ng walang balidong katuwiran.

Ni andy yabot

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top