Monday , September 28 2020
Breaking News
You are here: Home / Breaking News / Canadian, anak swak sa open manhole sa TIEZA

Canadian, anak swak sa open manhole sa TIEZA

KALIBO, Aklan – Sugatan ang mag-amang Canadian nationals matapos mahulog sa ginagawang manhole sa isang access road sa isla ng Boracay.

Kinilala ang mga biktimang sina Shaun Gray, 28, at Ashley Gray, 3-anyos, pansamantalang naninirahan sa Brgy. Ba-labag sa isla. Base sa report ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC), naglalakad si Gray habang karga ang kanyang anak sa nabanggit na lugar nang hindi nila namalayan ang bukas na manhole para sa pagsasaayos ng drainage system ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA).

Personal nang dumulog sa pulisya si Gray upang ireklamo ang pangyayari. Ini-refer ng pulisya ang insidente sa tanggapan ng TIEZA at pinayuhan ang mga biktima na magpagamot. (HNT)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top