Monday , September 28 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Pagsayaw-sayaw ni Aga, patok sa Let’s Ask Pilipinas

Pagsayaw-sayaw ni Aga, patok sa Let’s Ask Pilipinas

ANG saya-saya ni Aga Muhlach dahil patok sa ere, sa TV5ang kanyangprogramangLet’s Ask Pilipinasna five days a week. Alam ba ninyong maraming dance step itong si Aga kasi sa opening ng kanyang show ay sumasayaw na siya at nagpapasayaw din ng live audienceskahit nasa bahay lang at nanonood.

At kita mo, tawa siya ng tawa. Ganyan si Aga, parang walang kalungkutan, bagamat sad siya dahil first Christmas na wala ang mama niya, ang dating aktres na si Anita Aquino, na yumao ilang months na ang nakararaan.Pero hindi naman siya nag-iisa sa kanyang happiness dahil sa kanyang magandang maybahay na si Charlene Gonzales at ang twins na si Agatha at Andres na malalaki na at matatalino.

Pati si Charlene ay nagtuturo kay Aga ng iba’tibang dance step.

Gelli, mataray at palaban

ANOTHER show ng TV5 ang sumiritsit sa ere. ‘Yan naman ang show nina Gelli de Belen at Tintin Babao, angFace the People.

No comparison sina Gelli at Tintin dahil pareho silang magaling na host, although mas mataray magsalita at umasta si Gelli na palaging palaban ang dating.

Showbiz Police, ‘di totoong tsugi na

HINDI totoong e-exit na angShowbiz Policeni Cristy Fermin.On-going ito, every Saturday, 6:00 p.m..

This 2014, mas marami at matatapang na showbiz news & happenings ang kanilang itatampok.

Letty G. Celi

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top