Tuesday , September 29 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Max Collins, game magpa-sexy sa movies!

Max Collins, game magpa-sexy sa movies!

NAIS ni Max Collins na mabigyan siya ng magagandang projects, both sa telebisyon at movies. Sobrang naka-focus si Max sa kanyang acting career kaya tuloy-tuloy din ang kanyang pagsabak sa acting workshops, kahit wala pang TV project na naka-line-up para sa kanya.

Ayon kay Max, passion niya talaga ang pag-arte at dito raw siya masaya. Kaya ang inaabangan niya talaga ngayon ay ang kanyang susunod na teleserye.

“Gusto kong magkaroon ng magagandang projects, iyong makaka-touch sa mga tao, sa mga viewers, na mapapanood din ng viewers sa abroad at mata-touch din sila. Para na rin po mas maintindihan din nila ang culture ng Philippines and how talented Filipinos are. That’s my dream, to give pride to my country, give pride to my fans, give pride to all the people who believe in me.

“Gusto kong maging proud sila sa akin, sobrang mahal na mahal ko po itong trabaho ko,” saad ni Max nang aming makahuntahan ang aktres.

Kaya rin daw niyang sumabak sa pagpapa-sexy sa pelikula, basta hindi ito lalabas na malaswa o basta dapat ay matino ang project.

“Kaya ko, I mean, depende kung bagay po sa akin ang role. Like sa teleserye or sa movie, kung maganda po talaga ang role, pag-iisipan ko talaga ‘yun. Depende sa role. I guess ano, kailangan sa lahat ay tasteful ang execution.”

Idinagdag pa ni Max na sa ngayon ay pinaghahandaan din niya ang pagsabak sa mga eksenang kailangan siyang magsuot ng sexy bikinis.

“Pinaghahandaan ko po yun e, nagda-diet ako. So, kaya naman… kaya naman,” nakangiting esplika niya.

Pahabol na dagdag pa ng Tisay na Kapuso actress, “Basta dapat lang po, ‘yung maganda ang role, basta maganda yung role and challenging siya…and dapat matino at hindi basta ‘yung nagpa-sexy lang ako talaga.

“Important po iyon, dapat may dahilan talaga ang pagpapa-sexy. Dapat matino ‘yung project, dapat may laman ang character at mayroon siyang puso…,” sunod-sunod na litanya ni Max.

“Iba kasi talaga kapag nagpapa-sexy lang, I mean, dapat ay hindi pilit… na inilagay lang (’yung sexy scenes) para sa male crowd.

“Tapos… basta ang gusto ko po ay may kuwento dapat talaga. Kasi, mas I consider myself as an actress at ‘yun po ang path ko. So, ayokong mag-change ng path. And bilang actress po, kakayanin ko iyong mga ganoon, basta dapat ay hindi malaswa ang magiging labas nito.”

&&&

Uge, pinayuhan si Wally Bayola na magpublic-apology

AMINADO si Eugene Domingo na nami-miss niya si Wally Bayola. Magkasama sina Uge at Wally sa isang game show sa Siyete. Bukod sa Eat Bulaga, nawala rin si Wally sa naturang game show matapos pumutok ang kontrobersiyal nilang sex-video ng isang dancer ng EB.

Ayon pa kay Uge, lagi niyang binibigyan ng suporta si Wally sa pamamagitan ng dasal. “Of course kasi kasama siya sa original e, and I always pray for him,” saad ng talented na comedienne.

Umaasa rin siya na muling makakabalik sa showbiz ang magaling na komedyante. “Wala namang taong hindi nabibigyan ng pangalawang pagkakataon sa buhay. Lahat ng tao nabibigyan ng pagkakataon sa buhay,” wika pa ni Uge.

Kung bibigyan niya ng advice si Wally, sinabi ni Eugene na mas okay kung hihingi ng public-apology si Wally. “I think I will go with the advice of Bossing (Vic Sotto), because you are a public figure, it won’t hurt for you to ask for an apology. It always good naman to be mas mapagkumbaba,” esplika ni Uge.

Maraming espekulasyon na very-very soon ay muling mapapanood sa telebisyon si Wally. Duda namin, ang mga balitang lumalabas ukol sa pagbabalik-TV ni Wally ay sadyang pinalulutang para alamin ang pulso ng madla.

Sa aming palagay, marahil ay sapat nang aral ito kay Wally para ingatan na ang kanyang pangalan at ang reputasyon niya bilang isang public figure. Nakakapanghinayang ang talent ni Wally bilang komedyante, TV host, at singer. Pero kuwidaw dapat si Wally at mangako siyang magbe-behave na talaga, or else, wala na siyang career na babalikan pa!

NONIE V. NICASIO

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top