Thursday , October 1 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Tesorero ng barangay inutas sa bahay

Tesorero ng barangay inutas sa bahay

LEGAZPI CITY – Agad binawian ng buhay ang barangay treasurer matapos pagbabarilin ng hindi nakikilang kalalakihan sa Brgy. Magbalon, Cawayan, Masbate.

Kinilala ang biktimang si Demecilio Empas, 50, residente ng nasabing lugar.

Sa impormasyon, habang nagpapahinga at nanonood ng telebisyon ang biktima sa loob ng kanilang bahay,  bigla na lamang na pumasok ang dalawang armadong kalalakihan at niratrat si Empas gamit ang cal. 9mm na baril at shotgun.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad para mabatid ang posibleng motibo at pagkakakilanlan ng mga suspek. (BETH JULIAN

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top