Sunday , September 27 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Bunso kinatay ng ama at utol

Bunso kinatay ng ama at utol

LOPEZ, Quezon – Pinagtataga hanggang mapatay ng mag-ama ang kanilang bunso at inilibing sa Brgy. Veronica ng bayang ito.

Sa ipinadalang report ng Lopez PNP sa Camp Guillermo Nakar sa tanggapan ni Senior Supt. Ronaldo Genaro Ylagan, Quezon PNP Provincial director, kinilala ang biktimang si Carlos Pasta Segui, may sapat na gulang, may asawa, magsasaka at residente ng nasabing lugar.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Lamberto Pasta Segui, 51, ama ni Carlos; at Bryan Valencia Segui, 26, panganay na kapatid ng biktima.

Batay sa ulat, dakong 12:15 p.m., iniulat ng isang residente sa himpilan ng pulisya na isang lalaki ang pinatay at pagkaraan ay ibinaon sa kanilang barangay.

Agad nagresponde ang mga awtoridad at sa follow-up operation ay nadakip ang mag-ama matapos ituro ng isang nakasaksi sa insidente. (RAFFY SARNATE)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top