Monday , November 30 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Angel, nililigawan ng isang politician from North

Angel, nililigawan ng isang politician from North

AMINADO si Enrique Gil na crush niya si Angel Locsin. Wala namang masama kung crush lang. Pangalan pa lang daw ay Angel na, hitsura pa lang ay talagang hahangaan mo na.

Isa talaga sa mga artistang pantasya ng mga bagets lalo na sa kanyang kaseksihan.

Pero mukhang mauunahan pa yata si Enrique ng isang politician. How true na may umaaligid ngayon kay Angel na isang Governor sa North? Thirty eight years old daw ito, 5’7″. May kaunting t’yan, ‘di gaanong maputi pero may arrive.  Makaya kaya  ni Gov.  na makuha ang buong atensiyon ni Angel at makalimutan nang tuluyan ang ex-boyfriend na si Phil Younghusband?

Ano ang real score sa tsikang ito kay Gov.?

Alice, aminadong inluv

MAY asim pa rin talaga si Alice Dixson. Marami pa rin ang nagpapantasya sa kanya mula nang maging cover siya ng FHM. Kasama raw niya ang mommy niya at sister noong photo shoot para makita kung aprubado o hindi ang nasabing sexy pictorial. Wala naman daw kasi siyang itinatago sa mga ito.

“Makikita rin naman nila kung ano ang pinaggagagawa ko. So I thought, you know, if she feels uncomfortable watching me, then that means I’m not doing the right thing. Then I was ready to… I could leave. Magpapaalam ako, for my mom ‘yon.

“But she didn’t. She just had some questions for the photographer. And when the photographer showed her the shots on his camera, my sister and my mom said… ‘It’s nice, ang ganda,’”kuwento niya nang makatsikahan siya ng PMPC sa Himlayang Pilipino para sa For Love or Money.

Tungkol naman sa mga nagpapantasya sa kanya.

“I’m very humbled na may following pa rin ako.

“Napaka-suwerte ko. Na even at my age, ang dami pa ring humahanga. So, inaalagaan ko ‘yon. Tsini-cherish ko ‘yon.Because in the same token, I’d like to be a good example of health and fitness to women my age,” aniya pa.

Inamin din ni Alice na mayroon na siyang napupusuan ngayon sa kanyang mga masugid na manliligaw.

“Mayroon akong isang nagugustuhan. But I don’t wanna reveal. He’s non-showbiz, so I don’t wanna reveal much about him. But we’re dating. You know, we’re just getting to know each other,” sey  pa niya.

Open pa rin daw siya sa mga gustong manligaw sa kanya. Wala pa rin daw siyang commitment ngayon.

Nakatira raw ngayon sa kanya ang nanay niya.

‘Yun na!

Bea, pinalitan ni Kim dahil ayaw magkamison sa isang serye

NAG-GIVE WAY ang sabi ni Bea Binene kung may bago ba siyang serye na gagawin. Ayaw niyang ibigay ang reason pero pinalitan na siya ni Kim Rodriguez. May tsismis na nakarating sa amin na ayaw yata ni Bea ng mga sexy outfit o mag-kamison sa serye.

Masyadong mature sa kanya ang nasabing role at magpanimula ng bagong image lalo’t kasama siya sa news and current affairs ng Kapuso Network.

Isa pa, mature na rin daw ang role para sa kanya, at masyado pa raw maaga para iakyat na siya sa ganoong image. Napapanood kasi siya sa  Good News ng GMA News TV.

Roldan Castro

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top