Monday , September 28 2020
Breaking News
You are here: Home / News / ‘Anak’ 2 taon ginahasa 73-anyos stepdad kalaboso

‘Anak’ 2 taon ginahasa 73-anyos stepdad kalaboso

Arestado ang 73-anyos stepdad, matapos ireklamo ng panggagahasa ng anak ng kanyang kinakasama sa Quezon City.

Kinilala ang suspek na si Tomas Micua residente sa San Francisco Del Monte.

Reklamo ng 13-anyos dalagita, alyas Ana, 2010 nang simulan siyang galawin ng matanda. Pinakahuli ay nitong Biyernes bago nila sunduin ang kapapanganak na ina sa ospital.

Kwento ng 36-anyos ina, 2009 nang mangibang bansa siya at iwan sa kanyang kinakasama ang dalawang babaeng anak mula sa unang asawa.

Taong 2012 siya bumalik ng Filipinas pero walang isinumbong ang anak.

Sabado ng gabi, nagulat na lamang siya nang may dumating na mga pulis para arestohin si Micua.

Nabatid ng ina na pinagbantaan ng suspek ang kanyang anak na gigilitan siya kapag nagsumbong. Desidido ang nanay na ituloy ang kaso laban sa kinakasama.

Todo-tanggi naman ang suspek sa paratang sa kanya ng anak-anakan.

Dadalhin sa Kampo Krame ang biktima ng pangmomolestiya para sa medical examination.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top