Saturday , April 20 2024

School principal kinatay sa N. Cotabato

KIDAPAWAN CITY – Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang isang school principal matapos pagsasaksakin dakong 8:40 kamakalawa ng gabi sa lalawigan ng Cotabato.

Kinilala ang biktimang si Renato De Pedro, principal ng Lanao Kuran Elementary School sa Brgy. Lanao Koran, Arakan, North Cotabato.

Ayon kay North Cotabato PNP provincial director, S/Supt Danilo Peralta, binato ng hindi nakilalang kalalakihan ang bahay ng biktima sa Brgy. Tumanding sa bayan ng Arakan.

Bunsod nito, lumabas ang biktima ngunit ilang minuto lamang ang nakalipas ay humingi ng saklolo sa kanyang pamilya habang sapo ang katawan na tadtad ng saksak.

Naisugod pa si De Pedro sa Arakan District Hospital ngunit idineklarang dead on arrival ng attending physician.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya para makilala ang mga salarin. (BETH JULIAN)

About hataw tabloid

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *