Thursday , October 1 2020
Breaking News
You are here: Home / News / PNoy sa Baguio nagbakasyon

PNoy sa Baguio nagbakasyon

BAGUIO CITY – Dumating na kamakalawa ng gabi sa Baguio City si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III para magbakasyon.

Pasado 9 p.m. nang pumasok ang Presidential convoy sa The Mansion na laging tinutuluyan ni Pangulong Aquino tuwing nagbabakasyon.

Unang pinayuhan ni Health Sec. Enrique Ona ang pangulo na magpahinga muna sa trabaho.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, pagkakataon ito para makapagpahinga si PNoy at makabawi sa abalang schedule sa buong taon.

Inaasahang babalik sa regular na trabaho si Pangulong Aquino sa Disyembre 30 para pangunahan ang paggunita sa Rizal Day sa Luneta Park.                        (HNT)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top